Kapamilya pa rin: Gerald may bagong ‘dyowa’

Sa virtual presscon ng A Soldier’s Heart ay tinanong si Gerald Anderson kung posible ba na katulad ng ibang Kapamilya stars ay mapanood din siya sa ibang istasyon.

The post Kapamilya pa rin: Gerald may bagong ‘dyowa’ first appeared on Abante.

kapamilya pa rin gerald may bagong dyowa - Kapamilya pa rin: Gerald may bagong ‘dyowa’
abante gerald anderson - Kapamilya pa rin: Gerald may bagong ‘dyowa’

Sa virtual presscon ng A Soldier’s Heart ay tinanong si Gerald Anderson kung posible ba na katulad ng ibang Kapamilya stars ay mapanood din siya sa ibang istasyon.

Pero, sabi ni Gerald, ang next project niya ay sa Kapamilya channel pa rin, at sobrang excited daw siya, dahil kakaiba ang gagawin niya.

“May bago ako sa ABS-CBN, romantic drama naman ‘yon. Na-pitch na sa akin `yan noong nagti-taping ako ng A Soldier’s Heart, 2 years ago pa yata `yon,” sagot niya, na meaning, mananatili siyang Kapamilya.

Pero, sino ba ang bagong ‘babae’ o magiging ‘dyowa’ ni Gerald sa bago niyang teleserye na romantic drama ang tema?

“Kung puwede ko lang sabihin, sasabihin ko na agad. Kaso, ayoko mapagalitan, ayoko ma-preempt. Sasabihin ko naman agad ‘yan pag okey na,” sagot ni Gerald.

So, kumusta naman ang puso ni Gerald ngayon?

“At peace, tahimik!” sagot niya.

Anyway, magaganap na ang pinakamatinding engkwentrong haharapin ni Alex (Gerald Anderson) dahil buong tapang siyang makikipagdigmaan sa kanyang kapatid at mortal na kaaway na si Saal (Sid Lucero) sa pag-asang ito ang magbibigay ng katarungan at kapayapaan sa kanilang mga buhay sa huling dawalang linggo ng “A Soldier’s Heart.”

Matapos ang pagkamatay ng amang si Dante (Rommel Padilla), buo na ang loob ni Alex na makipagtuos sa kanyang kapatid para masigurong wala nang buhay pa ang madamay sa giyera. Kasama ang mga kaibigan at kapwa sundalong sina Abe (Carlo Aquino), Michael (Nash Aguas), Benjie (Yves Flores), Phil (Jerome Ponce), Jethro (Elmo Magalona), at Lourd (Sue Ramirez), susuyurin nila ang kuta ng mga rebelde upang iligtas si Elmer (Vin Abrenica) at siguraduhing mahuli si Saal.

Ngunit hindi magiging madali ang kanilang misyon dahil iba’t ibang panganib ang kanilang haharapin bago matunton ang mga kalaban na maglalagay sa kanilang buhay sa peligro.

Makamit kaya nila ang kapayapaang kanilang inaasam nang walang mapapahamak? (Dondon Sermino)

The post Kapamilya pa rin: Gerald may bagong ‘dyowa’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *