Kapamilya pa rin: Coleen kating-kati nang umarte

Kating kati na ngang bumalik si Coleen Garcia sa paggawa ng pelikula matapos manganak sa first baby nila ni Billy Crawford.

The post Kapamilya pa rin: Coleen kating-kati nang umarte first appeared on Abante.

kapamilya pa rin coleen kating kati nang umarte - Kapamilya pa rin: Coleen kating-kati nang umarte
Coleen Garcia 1 - Kapamilya pa rin: Coleen kating-kati nang umarte

Kating kati na ngang bumalik si Coleen Garcia sa paggawa ng pelikula matapos manganak sa first baby nila ni Billy Crawford.

Sa digital talk show ng Star Cinema na “I Feel U” ni Toni Gonzaga, tinanong ang aktres kung babalik pa ba siya sa trabaho o kung aayaw na siya sa showbiz para mag-focus na sa kanyang mommy duties.

Hindi siya nakasagot agad at mukhang kailangan pa niya yatang magpaalam sa asawa dahil sabi lang niya na, “Yes, as long as okay ang set-up namin.”

Wala ring linaw ang sagot ni Coleen kung mananatili siya sa ABS-CBN, pero nagkomento si Toni na excited na nga ang Kapamilya fans sa next project niya rito.

“Hopefully very soon,” ang sagot ni Coleen.

Dagdag pa ng bagong mommy, nami-miss na rin niya ang paggawa ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

“Actually ‘yung pinaka-love ko talaga is films, more than teleserye. That’s something that I hope I can really get back to,” pahayag ni Coleen.

Chika pa niya na may pelikula dapat siya ngayong taon pero nag-back out na lang siya roon dahil sa pandemya.

“Dapat mag-shoot ako ng film pero what stopped me was not the pregnancy, kasi I was gonna shoot while pregnant, pero ‘yung pandemic talaga.” (Dondon Sermino)

The post Kapamilya pa rin: Coleen kating-kati nang umarte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *