Kapamilya nanguna sa YouTube

Lalong ipinagtibay ng ABS-CBN ang pangunguna nito sa paggawa ng mga palabas sa digital matapos tanggapin ang ikalawang Diamond Creator Award mula sa YouTube.

The post Kapamilya nanguna sa YouTube first appeared on Abante.

kapamilya nanguna sa youtube - Kapamilya nanguna sa YouTube
abs cbn 4 - Kapamilya nanguna sa YouTube

Lalong ipinagtibay ng ABS-CBN ang pangunguna nito sa paggawa ng mga palabas sa digital matapos tanggapin ang ikalawang Diamond Creator Award mula sa YouTube.

Dumating ang diamond play button ng ABS-CBN News nitong Nobyembre, tatlong buwan matapos sumampa sa 10 milyon ang mga subscriber nito. Sa kasalukuyan, mayroon nang 11 milyong subscriber ang ABS-CBN News channel sa YouTube at higit sa 6.7 bilyong lifetime views.

Unang tumanggap ng Diamond Creator Award ang ABS-CBN noong 2018 para sa ABS-CBN Entertainment channel na mayroon na ngayong 31.6 milyong subscriber at mahigit 38.8 bilyong lifetime view. Ito ang unang YouTube channel sa bansa na nakakuha ng 30 milyong subscriber, at ikalawang pinakamaraming subscriber sa Asya. Pagdating sa dami ng views, ika-sampu naman ito sa buong mundo, base sa datos noong Oktubre.

Ipinakita ng mga opisyal ng ABS-CBN na sina chairman Mark Lopez, chief executive officer at president Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, Integrated News head Ging Reyes, at Digital head Jamie Lopez kamakailan lang ang dalawang parangal mula sa YouTube.

Matapos ipatigil ang broadcast operations ng ABS-CBN dahil sa kawalan ng bagong prangkisa, mas pinaigting pa ng ABS-CBN ang paghahatid ng mga palabas nito online sa pamamagitan ng Facebook, YouTube, iWantTFC, at mga katuwang nitong digital company.

Namamayagpag din sa YouTube ang iba pang ABS-CBN channels tulad ng Star Music, “Pinoy Big Brother,” Star Cinema, “The Voice Kids Philippines,” at The Gold Squad na lahat ay may milyon-milyong subscribers at bilyon-bilyong views maliban sa The Gold Squad na mayroon na ring mahigit 200 milyong views. (DS)

The post Kapamilya nanguna sa YouTube first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *