‘Kapamilya Love Weekend’ umarangkada na

Nagsimula nang dumayo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang ABS-CBN para maghatid ng serbisyo at saya sa ­pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng “­Kapamilya Love Weekend.”

kapamilya love weekend umarangkada na - ‘Kapamilya Love Weekend’ umarangkada na
abs cbn 3 - ‘Kapamilya Love Weekend’ umarangkada na

Nagsimula nang dumayo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang ABS-CBN para maghatid ng serbisyo at saya sa ­pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng “­Kapamilya Love Weekend.”

Bahagi ng pagdiriwang ng ika-65 ­anibersaryo ng Kapamilya network, isinagawa ang unang “Kapamilya Love Weekend” sa Brgy. Muzon sa Taytay, Rizal noong Agosto 18. Tampok dito ang libreng medical at dental check-up para sa mga Kapamilya, maliban pa sa ibang ­handog na serbisyo sa tulong ng mga volunteer na doktor at mga katuwang na organisasyon.

Nakiisa at nakisaya rin dito ang mga opisyal­ at empleyado ng ABS-CBN, ­kabilang ang ­Kapamilya stars na sina Richard ­Gutierrez at Christian Bables, na may handang mga ­palaro at papremyo para sa mga residente ng Brygy.
Muzon.

Iikot ang “Kapamilya Love Weekend” sa iba’t ibang barangay sa Luzon, Visayas at Mindanao simula ngayong Agosto.

(­Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *