Kapamilya fan nagbubunyi: Mga ABS-CBN show mas pasiklab sa free TV ‘Showtime’ may buwena-manong pasabog sa ZOE

Ngayon pa lang ay nagbubunyi na ang mga fan ng Kapamilya Network/Channel dahil sa napipinto nitong pagbabalik sa free TV.

The post Kapamilya fan nagbubunyi: Mga ABS-CBN show mas pasiklab sa free TV ‘Showtime’ may buwena-manong pasabog sa ZOE first appeared on Abante.

kapamilya fan nagbubunyi mga abs cbn show mas pasiklab sa free tv showtime may buwena manong pasabog sa zoe - Kapamilya fan nagbubunyi: Mga ABS-CBN show mas pasiklab sa free TV ‘Showtime’ may buwena-manong pasabog sa ZOE
Abscbn - Kapamilya fan nagbubunyi: Mga ABS-CBN show mas pasiklab sa free TV ‘Showtime’ may buwena-manong pasabog sa ZOE

Ngayon pa lang ay nagbubunyi na ang mga fan ng Kapamilya Network/Channel dahil sa napipinto nitong pagbabalik sa free TV.

Malaking bagay nga naman, na kahit sabihin pang hindi naman kasinglakas ng ‘frequency’ ng ABS-CBN ang ZOE TV, na abot hanggang sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, at mundo, masaya na rin sila na mapanood ang mga nami-miss nilang show sa Dos.

At mas lalo pang bumongga, dahil pati sa Cignal TV ay mapapanood na rin ang mga palabas ng Channel 2. Available sa channel 183, via postpaid plans at postpaid loads ang mga palabas sa ZOE TV.

Kaya ang tanong nga, ‘handa ka na ba sa pagbabalik ng mga Kapamilya show sa free TV ngayong Oct. 10?’

At sagot ng mga fan, ‘Yes, excited na kami mapanood ulit sila, lalo na ang Showtime.’ ‘Laban lang Kapamilya’.

Anyway, blocktimer rin ang mga Kapamilya show sa ZOE TV. Pero ang mahalaga nga ay may pagkakataon na ang mga ordinaryong mamamayan na makapanood ng mga name-miss nilang Kapamilya show, lalo na `yung mga hindi masyadong familiar o hindi nasanay manood sa online, o social media.

Kaya si Vice Ganda, at ang kanyang mga fan, sobrang excited na, dahil una ngang mapapanood ang Showtime. At sa Oct 12 naman ay mapapanood na rin ang ASAP Natin ‘To.

Anyway, naghahanda na rin ang grupo ng Showtime sa bonggang selebrasyon nila ng ika-11 taon sa ere. Tamang-tama sa pagbabalik nila sa free TV. (Dondon Sermino)

The post Kapamilya fan nagbubunyi: Mga ABS-CBN show mas pasiklab sa free TV ‘Showtime’ may buwena-manong pasabog sa ZOE first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *