Kanishia napagkamalang si Ria

Kamukha nina KC Concepcion, Ria Atayde ang baguhang singer na si Kanishia Santos. Si Kanishia ang umawit ng “A Little Piece of Danger” na nilikha ni Marion Aunor.

The post Kanishia napagkamalang si Ria first appeared on Abante.

kanishia napagkamalang si ria - Kanishia napagkamalang si Ria
kanisha - Kanishia napagkamalang si Ria

Kamukha nina KC Concepcion, Ria Atayde ang baguhang singer na si Kanishia Santos.

Si Kanishia ang umawit ng “A Little Piece of Danger” na nilikha ni Marion Aunor.

May mga anggulo talaga si Kanishia na parang sina KC, Ria. Pero, hawig din siya kina Jane Oineza, Nadine Lustre.

Ayon kay Kanishia mas madalas siyang mapagsabihang kamukha si Ria, na nakilala na pala niya dahil sa nakababatang kapatid nito na si Gela.

Magkaibigan sina Kanishia at Gela, at nakadalaw na siya sa bahay nito.

Anyway, ang “A little Piece of Danger” ay mensahe sa mga kapwa niya millennial, na huwag matakot lumabas sa kanilang comfort zone. Tulad daw niya na mahiyain at takot mag-perform noon sa harap ng mga tao.

Si Kanishia ay nakababatang kapatid ng singer ring si LA Santos. Si Claire dela Fuente ang manager ni Kanishia. (Rey Pumaloy)

The post Kanishia napagkamalang si Ria first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *