Kampo ni Migo magpa-file ng motion sa Makati RTC

Tama ba ang narinig ko na may motion na ipa-file ang lawyer ng GMA 7 young actor na si Migo Adecer na ­involved sa ilang kaso nga­yon sa Makati City?

The post Kampo ni Migo magpa-file ng motion sa Makati RTC appeared first on Abante News Online.

kampo ni migo magpa file ng motion sa makati rtc - Kampo ni Migo magpa-file ng motion sa Makati RTC
migo 2 - Kampo ni Migo magpa-file ng motion sa Makati RTC

abante anything goes jun lalin 336x224 - Kampo ni Migo magpa-file ng motion sa Makati RTCTama ba ang narinig ko na may motion na ipa-file ang lawyer ng GMA 7 young actor na si Migo Adecer na ­involved sa ilang kaso nga­yon sa Makati City?

Bukas, guest ko si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page na Abante News Online, kaya matatanong ko siya tungkol doon, pati na rin sa updates ng mga kaso ni Migo sa Makati City.

Kilala ring lawyer ng marami pang mga celebrity si Atty. Garduque, kaya marami akong matatanong sa kanya tungkol sa mga client.

Pakiabangan na lang po bukas ng 2:00PM ang “Anything Goes” online show!

Sikat na aktor nagparetoke ng mukha

Naku, imbiyerna ang mga fan ng isang sikat na aktor na pinagbibintangang may pinabago sa mukha.

May pinost kasi ang isang comedian/singer na kasama niya ang sikat na aktor, then may mga nakapansin na parang may nabago sa mukha ng huli, kaya kung ano-ano na ang komento ng netizens.

Sabi naman ni comedian/singer, baka dahil lang daw sa “filter” na ginawa niya sa picture na ‘yon, kaya parang may nabago sa mukha ng sikat na aktor.

Hmph! Meron nga kaya itong pinabago si sikat na aktor sa kanyang mukha?

Well…

Megastar tinuloy ang concert kahit nagkaaberya sa flight

Ang bongga lang, Dondon, dahil ang tindi talaga ng pagmamahal ng kanyang mga fan kay Sharon Cuneta.

Past 1:00AM na natapos noong Sunday ang Saturday night show sa Alex Theater sa Glendale, California dahil almost 11:00PM na raw nakapag-perform ang Megastar, huh!

But, wait, wait, wait, magbasa muna bago mag-react dahil ang Sharonians nga na nagpunta nang maaga sa venue ng show na ‘yon ni Sharon ay walang violent reaction, ‘noh?!

Actually, puring-puri nila ang Megastar dahil nang lumapag ang plane nila sa Los Angeles, California ay dumeretso na kaagad sila sa Glendale at naiwan pa nga ang ibang mga kasama nila sa airport to wait for their luggages, huh!

Ganito kasi ‘yon, maaga pa lang ay paalis na sila ng Toronto, Canada kung saan ay nag-show rin sila, pero gabi na nga sila nakaalis dahil may problema ang plane na sinakyan nila at pinababa sila.

Anyway, sabi sa akin ng isang friend ko na nasa backstage, stressful daw ang lahat dahil sa delayed flight ng group ni Sharon, pero nakakabilib daw na hindi nagbihis ang Megastar at nag-perform na kaagad.

Alam din kasi ni Sharon na ilang oras na ring naghihintay ang audience sa kanyang paglabas.

Actually, pag­lapag nga sa LA ng plane na sinakyan nila from Toronto ay nagpe-perform na ang mga front act sa Alex Theater show nila, kaya nagmadali na rin si Sharon na pumunta sa venue.

Sabi naman ng mga fan ng Megastar after ng show kung saan nanood din si John Arcilla, worth the wait naman daw dahil ang galing-galing ni Sharon. Kahit pa stressed at sob­rang pagod ang Megastar dahil sa nangyaring delay sa kanilang flight, 100% pa rin daw ang performance level na ibinigay nito.

Kasama nga pala sa show na ‘yon si KC Concepcion at sabi pa ng kausap ko, alam niya na babalik na ng Philippines si Sharon, pero ang pa­nganay raw ng Megastar ay balitang mag-i-stay pa sa LA dahil favorite nga nito ang lugar na ‘yon.

The post Kampo ni Migo magpa-file ng motion sa Makati RTC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *