Kampo ni Manny todo palusot sa ‘super cheap’ hotel

Tinawagan at kinausap kami ng isang tauhan nina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao na ayaw ng magpabanggit ng name hinggil sa naisulat namin dito.

The post Kampo ni Manny todo palusot sa ‘super cheap’ hotel appeared first on Abante News Online.

kampo ni manny todo palusot sa super cheap hotel - Kampo ni Manny todo palusot sa ‘super cheap’ hotel
jinkeepacquiao - Kampo ni Manny todo palusot sa ‘super cheap’ hotel

abante ambuzz ambet nabus 336x224 - Kampo ni Manny todo palusot sa ‘super cheap’ hotelTinawagan at kinausap kami ng isang tauhan nina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao na ayaw ng magpabanggit ng name hinggil sa naisulat namin dito.

Una, nagpapaabot daw ng pasensya ang mag-asawa sa naranasan naming treatment sa Road Haus Hotel sa Gen. San nu’ng nakaraang weekend.

“Pinare-rent out na lang kasi nila yun. Wala na sa kanila ang full ma­nagement,” ang bahagi ng paliwanag ng naturang source.

Kung nandun pa man daw ang mga “portraits, mga gloves na ginamit, mga videos at ibang mahahalagang boxing paraphernalia” na ginamit ni Pacman, “for attraction and promo na lang,” sey pa ng kausap namin.

Pero hindi na sinagot ng emisaryo nina Sen. Pacquiao at Jinkee nu’ng itanong namin kung totoong ang kakambal ni Jinkee ang nagpapatakbo nito kaya’t “family owned” pa rin ang natu­rang hotel.

And the fact na sinabi nilang pam-promo at attraction na lang sina Pacman, the more na dapat silang mas maging mai­ngat at maayos sa pag-istima sa mga nag-stay doon, di ba?

Natawa na lang kami sa tila palusot na paliwanag pero sa ngalan ng parehas na paglilimbag, ‘yun ang kanilang naging sagot. Hahahaha!

Sa dami ng naloka sa inakala nilang “mura o cheap” na hotel ng mga Pacquiao, horrible story pala ang kanilang nalaman. Hahahaha!

Utol ni Ronnie dinawit sa ‘video scandal’ ni Loisa

Isang katropa (minsan din ta­yong nakaka-join sa gimik ng mga bagets) nina Loisa Andalio (with Ronnie Alonte and friends) ang malungkot na nagkuwento sa amin ng viral vi­deo ng batang aktres na pumutok nitong weekend.

Awang-awa sila sa katropa nila (read: kasama sa mga kuwentuhan, birthday gimik, mga gaming fun etc.) dahil kung ano-anong bashing na ang inabot nito. Hindi pa rin nagsasalita ang batang aktres at ayaw din namang kumpirmahin ng katropa kung si Loisa nga ang nasa video though marami ang nagsasabi na hindi nga ito maitatanggi.

Basta ang makabulu­hang sinabi ng kausap namin na sa pagpasa-pasa umano ng naturang viral video ngayon, merong nag­lagay ng malisya na i­lagay sa kahihiyan si Loisa.

HIndi namin tiningnan ang naturang video at wala kaming balak na panoorin ito dahil kahit saan naming tingnan ang isyu, “talo” si Loisa sa usapin, either aminin o itanggi man niya ito.

Pero merong puwedeng gawin ang mga napapasahan nito at ‘yun ay ang itigil nila ang pagpapa­kalat at paghuhusga.

And again, the lesson here ay huwag gamitin ang mga gadget kung may “trip” gawin sa kanilang katawan o bahagi ng katawan ang isang tao, whether part man iyan ng kasiyahan o pribadong usapan.

Very alarming din ang isyu ng “weeds” na diumano’y naging bahagi ng naturang “fun video” na pinasa umano sa isang lalaki na karelasyon naman ng kapatid na babae ni Ronnie? And the plot thickens….

But mind you mga ka-Abante, sa ilang birthday, asalto, welcome o mga bienvenida fun na naiimbita kami ng mga common friends nila at ilan din sa kanila, wholesome kulitan at asaran with matching card games at lafang ng food lang ang nakikita namin. Yung behind the closed doors, hindi na namin knows noh!

The post Kampo ni Manny todo palusot sa ‘super cheap’ hotel appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *