Kambal na bundok ni Wurtzbach sumobra ang laki

Mas lumaki pa yata ang mga pakwan ni Pia Wurtzbach ngayon. Kaya naman agad itong napansin ng mga netizen dahil nakabalandra ito sa kanyang Instagram.

The post Kambal na bundok ni Wurtzbach sumobra ang laki first appeared on Abante.

kambal na bundok ni wurtzbach sumobra ang laki - Kambal na bundok ni Wurtzbach sumobra ang laki
pia 1 1 - Kambal na bundok ni Wurtzbach sumobra ang laki

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 2 300x180 - Kambal na bundok ni Wurtzbach sumobra ang lakiMas lumaki pa yata ang mga pakwan ni Pia Wurtzbach ngayon. Kaya naman agad itong napansin ng mga netizen dahil nakabalandra ito sa kanyang Instagram.

Sa pinoste nitong bikini photo sa Instagram habang nakaupo, maliwang na makikitang hindi na magkasya ang suot nitong bra sa laki ng dibdib ng Pinay beauty queen.

Lumalabas na sa gilid ang mga laman ng papaya ni Pia sa sobrang laki nito. Sa paningin ng iba, nakakalula ang laki ng mga bundok nito, na ang itsura ay parang ulap sa lambot.

Buti na lang at maganda, sexy si Pia kaya naman kering-keri nyang dalhin ang kanyang kambal na bundok.

Pero paano kaya kung magbuntis si Pia at manganak? Posibleng mas dumoble pa ang laki nito.

Anyhow, katawan naman nya ito at sya ang magdadala ng pagbabago dito.

Kinaiinggitan lang ng maraming kalalakihan ang boyfriend nyang si Jeremy Jauncey dahil nasungkit nito ang pinakamagandang babae sa buong universe.

Regine gustong ilublob sa tubig anak nina Anne, Erwan

Gustong ilublob ni Regine Velasquez sa tubig ang baby girl ni Anne Curtis na si Dahlia Amelie matapos mag-comment sa kanya ang huli sa video clip ng performance nito sa ASAP last Sunday.

Ni-retweet ni Anne ang pagbirit nito ni Regine sa 80’s disco music na “Electric Dreams”.

“Wooooo Grabe version mo madamme ate @reginevalcasid!!!! Sana maabot ko din yan one day. If not me, sana si Dahlia love this song too!!!” sabi ni Anne.

Sumagot naman si Regine at dito nag-suggest na ilublob na nila agad si Dahlia sa tubig para i-train na lungs at vocal power nito.

“Eh di ba abot mo nga ‘yan. Lika umpisahan na natin si Dahlia ilublub sa palanggana. She is sooooo cute,” sabi ni Regine.

Isa sa mga dahilan nang pinanggalingan ng lungs power at vocal ability ni Regine ay ang paglublob sa kanya sa dagat hanggang leeg ng yumao nyang ama na si Mang Gerry, na syang ginawang training sa pagkanta.

Julia nagluluto sa bahay ni Coco

Naudyukan na si Julia Montes ng kanyang mga kaibigan sa showbiz at ibang netizen na ituloy ang plano nitong food business at restaurant.

Pinoste ni Julia ang larawan ng seafood paella na kanyang niluto, na nagpabilib sa mga follower niya sa Instagram.

Hiningi ni Julia ang opinyon ng mga netizen kung dapat na nga ba niyang ituloy ang planong food project sa taong ito.

Isa sa mga nag-aprub at kumukumbinse kay Julia, ay ang misis ni Michael de Mesa na si Julie.

Si Michael ay mainstay ng “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin. Connect-the-dot, na ang ibig sabihin may “something” talaga kina Coco at Julia, dahil sa closeness nila ni Julie.

Alam ni Julie na mahusay magluto si Julia, na ang ibig sabihin ay natikman na nito ang recipes ng aktres. Sa bahay kaya ni Coco?

Anyways, nangangako ang mga fan ni Julia na tatangkilikin nila ang negosyo nito pag natuloy.

John Estrada nilait Divisoria

Sa pag-aalalang baka makuyog ng panlalait at galit, at maakusahang nandi-discriminate ng estado, agad na bumawi si John Estrada sa makahulugang-patama nito sa Divisoria.

Pinoste ni John ang isang video sa kanyang Instagram, na naglalakad ang mga tao na parang sinasabayan ng alon ng kanilang mga katawan ang beat ng music.

Parang nagba-body language ang mga naglalakad, na dulot ng pag-alon ng kamera trick o effect.

Sa caption, sinabi ni John na ganito ang quality ng video na makukuha ng marami kapag sa Divisoria binili ang CCTV.

“Pag ang cctv mo daw nabili mo sa divisoria…ganito daw ang quality,” sabi ni John.

Pinasundan nya ito ng humahalakhak na emoji para ipakitang nakakatawa ang video.

Pero binawi agad ito ni John sa pag-aalalang baka may mga umalma sa mga negosyante sa Divisoria.

Kaya naman nagsulat rin sya ng hashtag na #ilovedivisoria #jokeonly”.

Tumawa at naaliw naman ang mga follower nito at hindi siya kinastigo.

The post Kambal na bundok ni Wurtzbach sumobra ang laki first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *