Kahit pilit itinago: B-day party ng anak nina Ellen, John Lloyd kumalat

Pinagdiwang nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang first birthday ng kanilang anak na si Elias Modesto noong nakaraang June 27.

The post Kahit pilit itinago: B-day party ng anak nina Ellen, John Lloyd kumalat appeared first on Abante News Online.

kahit pilit itinago b day party ng anak nina ellen john lloyd kumalat - Kahit pilit itinago: B-day party ng anak nina Ellen, John Lloyd kumalat
John Lloyd Cruz Ellen - Kahit pilit itinago: B-day party ng anak nina Ellen, John Lloyd kumalat

Ni: Ruel M­endoza

Pinagdiwang nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang first birthday ng kanilang anak na si Elias Modesto noong nakaraang June 27.

Nakunan nga ng isang site ang naturang birthday party kunsaan makikita si JLC na karga ang anak nila ni Ellen. Pero walang iba pang details sa naturang birthday party.

Simula noong magsama ang dalawa, naging mailap na sila sa publiko at pati ang mga social media accounts nila ay naging private na. Pero may pagkakataon pa rin na may nakakalusot na mga photos nila na kasama ang kanilang anak na si Elias.

Sa ilang nakalabas na photos, suot ni Baby Elias ay bright orange shirt na may horse print. Si JLC naman ay yellow floral polo ang suot samantalang si Ellen ay may suot na cardigan sa kanyang white shirt.

Sa isang post naman ay makikita ang three-layered, rainbow-themed birthday cake habang kinakanta ng mga guest ang “Happy Birthday” song. May mini-ball pit rin daw sa party para sa mga bata na imbitado sa party.

Heto ang ilang comments ng netizens sa intimate birthday party ni Baby Elias:

“Gwapo ng bata ganda mata. Happy bday elias.”
“Ang bilis ng panahon 1yr old na pala ung anak nila.”

The post Kahit pilit itinago: B-day party ng anak nina Ellen, John Lloyd kumalat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *