Kahit nasa TV5 na: Kapamilya pa rin ako – Donny Pangilinan

Kahit nga frontrunner ng Sunday Noontime Live ng TV5 si Donny Pangilinan, kasama sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray, Jake Ejercito, Kapamilya pa rin daw siya.

The post Kahit nasa TV5 na: Kapamilya pa rin ako – Donny Pangilinan first appeared on Abante.

kahit nasa tv5 na kapamilya pa rin ako donny pangilinan - Kahit nasa TV5 na: Kapamilya pa rin ako – Donny Pangilinan
dony - Kahit nasa TV5 na: Kapamilya pa rin ako – Donny Pangilinan

Kahit nga frontrunner ng Sunday Noontime Live ng TV5 si Donny Pangilinan, kasama sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray, Jake Ejercito, Kapamilya pa rin daw siya.

Sa kanyang vlog ay kinumpirma ni Donny na may proyekto pa rin siya sa ABS-CBN 2.

Ang pagpunta niya sa TV5 – SNL ay para lang samahan si Mr. Johnny Manahan, ang kanilang tatay sa Star Magic, na siya ngang direktor nito.

Ganiyan din ang rason ni Maja kung bakit mapapanood na siya sa Kapatid Network.

” Hindi po ako lumipat ng TV5 pero magiging parte po ako ng isang show tuwing linggo. Sasamahan ko muna si Mr. M ang aming tatay sa Star Magic…. Pero hindi magiging permanent ang appearance ko doon dahil marami pa akong gagawin sa ABS-CBN lalo na ang ‘He’s Into Her’ na alam kong ang daming naghihintay. Malapit na, guys…” sabi ni Donny.

Ang He’s Into Her ay ang sabi-sabing launching project ng love team nina Donny at Belle Mariano. (Dondon Sermino)

The post Kahit nasa TV5 na: Kapamilya pa rin ako – Donny Pangilinan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *