Kahit may sitcom sa GMA: Eugene Domingo Kapamilya star na

Ang bongga rin ni Eugene Domingo, na nakakapaglagare sa magkalabang istasyon, ha! May sitcom siya sa GMA-7, at heto nga, may teleserye/pelikula siya sa iWant (ng ABS-CBN 2).

The post Kahit may sitcom sa GMA: Eugene Domingo Kapamilya star na appeared first on Abante News Online.

kahit may sitcom sa gma eugene domingo kapamilya star na - Kahit may sitcom sa GMA: Eugene Domingo Kapamilya star na
ABANTE uge 1 - Kahit may sitcom sa GMA: Eugene Domingo Kapamilya star na

Ni: Dondon Sermino

Ang bongga rin ni Eugene Domingo, na nakakapaglagare sa magkalabang istasyon, ha! May sitcom siya sa GMA-7, at heto nga, may teleserye/pelikula siya sa iWant (ng ABS-CBN 2).

Bongga, ‘di ba? Pareho siyang mapapanood sa magkaribal na istasyon.

Anyway, muli ngang bubuhayin ni Eugene ang tumatak niyang role bilang sarili niya sa “Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken,” na eksklusibong mapapanood bilang series sa streaming service na iWant simula Hulyo 17.

Sa “Septic Tank 3,” mapapatunayan ni Eugene na may ibubuga pa siya bukod sa pag-arte at hahamunin ang sariling bumida, idirek, at i-produce ang sarili niyang pelikula tungkol kay Josephine Bracken, ang huling kasintahan ni Jose Rizal.

Bilang isang first time direktor, kukunin ni Direk Uge ang pinakamagagaling sa industriya para maganda ang kinalabasan ng una niyang pelikula.

At ang hunky actor na si Tony Labrusca ang gaganap bilang si Jose Rizal.

Bago naman mapapanood ang serye, maaaring panoorin nang libre sa iWant ang unang dalawang “Ang Babae sa Septic Tank” movies tungkol naman sa indie film industry at Pinoy rom-com.

Abangan ang buong pitong episodes ng “Ang Babae sa Septic Tank 3” simula Hulyo 17 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

The post Kahit may sitcom sa GMA: Eugene Domingo Kapamilya star na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *