Kahit COVID-19 free: Richard Gomez mahigpit sa pagpapatupad ng curfew, quarantine sa Ormoc

Masuwerte ang tingin ng netizen kay Richard Gomez dahil sa pinoste nito sa kanyang Instagram sa sitwasyon sa nasasakupan nitong Ormoc City, na kung saan ay siya nga Mayor.

kahit covid 19 free richard gomez mahigpit sa pagpapatupad ng curfew quarantine sa ormoc - Kahit COVID-19 free: Richard Gomez mahigpit sa pagpapatupad ng curfew, quarantine sa Ormoc
abante richard gomez 2 - Kahit COVID-19 free: Richard Gomez mahigpit sa pagpapatupad ng curfew, quarantine sa Ormoc

Masuwerte ang tingin ng netizen kay Richard Gomez dahil sa pinoste nito sa kanyang Instagram sa sitwasyon sa nasasakupan nitong Ormoc City, na kung saan ay siya nga Mayor.

Nakabalandra sa IG ni Richard ang balitang “COVID 19” free ang kanyang syudad. Bagamat, walang pangamba ng virus, pinapairal pa rin nito ang pagdi-disinfect ng buong syudad sa pamamagitan ng mga agricultural tractors.

Makikita sa naunang video ni Richard ang kawalan ng tao at sasakyang gumagala sa mga kalye sa gabi, isang indikasyon nang pagpapatupad ng quarantine at curfew sa kanyang nasasakupan.

Bukod dito, makikita sa post ni Richard ang maraming sako ng bigas na ipapamahagi nya sa bawat isa sa mga bahay-bahay sa 110 barangays. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *