‘Kagandahan’ ni Xian namana sa ina

May pinagmanahan ng ganda ng mukha si Xian Lim, at yun ay sa kanyang ina na nag-celebrate ng kaarawan kamakailan.

The post ‘Kagandahan’ ni Xian namana sa ina appeared first on Abante News Online.

kagandahan ni xian namana sa ina - ‘Kagandahan’ ni Xian namana sa ina
xian 2 - ‘Kagandahan’ ni Xian namana sa ina

May pinagmanahan ng ganda ng mukha si Xian Lim, at yun ay sa kanyang ina na nag-celebrate ng kaarawan kamakailan.

Pinoste ni Xian ang 1983 calendar na may larawan ng kanyang ina. Ma­ki­­kita sa kalendaryo na napakaganda ng ina ni Xian at pang-model talaga ang mukha nito.

Sa caption, nalaman ng netizen na dati ring TV personality ang ina niya, at image endorser rin.

Saad pa ni Xian ay dating nasa News ng RPN 9 ang Mommy niya at sinasabay nito ang pagmu-mode­l sa mga print ads.

Sinabi niyang nalukot na ang calendar dahil sa Ondoy nung 2009 at lumubog ang kalahati ng kanilang bahay sa Marikina.

Pinasalamatan ni Xian ang ina na siyang nagtaguyod sa kanya at sa kanilang pamilya. Pinuri ni Xian ang ina sa pagiging kalmado at pagtingin nito sa hirap ng buhay sa isang creative perspective.

Ibinahagi pa ng aktor na ang ina niya ang nagpautang sa kanya para pondohan ang ginagawa niyang pelikula kung saan siya ang direktor.

Humanga nga ang mga followers ni Xian sa ganda ng kanyang ina at sinabing dito siya nagmana ng ganda ng mukha. (Rey Pu­ma­loy)

The post ‘Kagandahan’ ni Xian namana sa ina appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *