Kagagahan ni Rufa Mae sobrang benta sa mga fan

Mahigit 2 million views na ang Darna impersonation ni Rufa Mae Quinto, na ginawa niya sa “Tonight With Boy Abunda” ng ABS-CBN. Posibleng ang viral video na ito ni Rufa Mae ang magpapakumbinse sa Star Cinema na bigyan siya ng role sa remake ng Darna.

The post Kagagahan ni Rufa Mae sobrang benta sa mga fan appeared first on Abante News Online.

kagagahan ni rufa mae sobrang benta sa mga fan - Kagagahan ni Rufa Mae sobrang benta sa mga fan
ruffa mae - Kagagahan ni Rufa Mae sobrang benta sa mga fan

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Kagagahan ni Rufa Mae sobrang benta sa mga fanMahigit 2 million views na ang Darna impersonation ni Rufa Mae Quinto, na ginawa niya sa “Tonight With Boy Abunda” ng ABS-CBN. Posibleng ang viral video na ito ni Rufa Mae ang magpapakumbinse sa Star Cinema na bigyan siya ng role sa remake ng Darna.

Sobrang na-inspire si Rufa Mae sa atensyong ibinigay sa kanya ng netizen sa comedic-impersonation niya sa paglunok ng bato, sabay sigaw at sa tumbling.

Kaya naman kung ano-ano na ang ginagawa ng komedyante sa kanyang socmed account para lang sakyan ang 2 million views niya. Post pa niya sa kanyang wall, nagdyi-gym siya para sa paghahanda niya sa movie offer ng Star Cinema.

Janjep ala-Catriona sa Mr. Gay World

Humahabol kay  Catriona Gray ang pambato ng Pilipinas para sa Mr. Gay World 2019 na si Janjep Carlos. Mahigit 30 sponsors ang naka-back up kay Janjep bukod pa ang suporta ng kanyang mga kaibigan na si Mr. Wilbert Tolentino, na mentor niya at franchise holder ng Mr. Gay World Philippines, at siya ring first Pinoy na nanalo ng title na Mr. Gay World noong 2009.

Desidido ang team ni Janjep sa pangu­nguna ni Mr. Tolentino na masungkit muli ang korona ng pageant na gagawin sa South Africa. Marami ang umaasang kakabugin ni Janjep ang mga kandidato sa iba’t ibang bansa.

Ayaw lang pa-pressure ni Janjep na umalis na nu’ng Biyernes patungong Cape Town, lalo’t ang huling nagwagi ng korona ay si John Raspado na kinatawan ng Pilipinas. Sabi nga ni Janjep, hindi na niya ikukumpara ang sarili niya kay John.

Gagayahin na lang daw niya ang naging attitude ni Catriona na nag-enjoy lang sa buong pageant. May mga pasabog daw na gagawin si Janjep sa MGW na posibleng magpaa­ngat sa kanya sa lahat.

Juday, Ryan lalong tumamis ang relasyon

Ang tamis ng pagbati ni Judy Ann Santos sa asawang si Ryan Agon­cillo sa Instagram. Ibi­nigay na lahat ni Juday ang buong sarili at pagkatao kay Ryan sa message caption niya.

“You are my heart, my soul, my life, my love…#10th,” sabi ni Juday.

Sampung taon na ngang mag-asawa sina Juday at Ryan.

The post Kagagahan ni Rufa Mae sobrang benta sa mga fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *