‘Kadenang Ginto’ kakabugin ang ‘Probinsyano’

Not guilty! ‘Yan ang hatol kay Romina (Beauty­ Gonzales) sa kasong isinampa ni Daniela (Dimples Romana).

The post ‘Kadenang Ginto’ kakabugin ang ‘Probinsyano’ appeared first on Abante News Online.

kadenang ginto kakabugin ang probinsyano - ‘Kadenang Ginto’ kakabugin ang ‘Probinsyano’
ABANTE Kadenang Ginto - ‘Kadenang Ginto’ kakabugin ang ‘Probinsyano’

Francine palaging ‘nganga’ kay Andrea

Ni Dondon Sermino

Not guilty! ‘Yan ang hatol kay Romina (Beauty­ Gonzales) sa kasong isinampa ni Daniela (Dimples Romana).

At siyempre, kasunod noon ang pagbawi ni Romina­ sa lahat ng mga ari-arian ng kanyang mister (Albert Martinez na namatay na sa KG).

Ramdam na ramdam na nga ang tensyon sa “Kadenang Ginto,” na heto na nga, unti-unti na ang pagbangon ni Romina, at tuluyan na niyang ibabaon si Daniela.

Ito na nga ba ang simula ng karma, at kabayaran sa kasamaan ni Daniela?
Pero teka, paano naman sina Marga (Andrea Brillantes) at Cassie (Francine Diaz)? Tila nabubuwisit naman ang mga manonood kay Cassie, na para sa kanila ay palaging ‘nganga’ sa tarayan kay Marga.

Mas epektib nga raw ang kontrabida, mas pala­ging panalo sa eksena. At hiling nila ay turuan din itong maging matapang, palaban.

Well, heto nga ang reaksyon ng mga manonood:

Zab Cassy Geann: “Sige direeeeek, tuloy tuloy­ natin to ah! masayang masaya kami, promise… We’ll keep on supporting this and keep on watching din… One favor lang direk, pwede po bang pakidagdagan ang pagiging matapang ni Cassie, yung hindi naman masyadong mabait, di pa rin kasi kami masyadong satis­fied sa pakikibakbakan nya kay Marga. Unlike kay Romina na sobra sobra kaming satisfied. Sana po wag masyadong sagadin sa kabaitan si Cassie, alam naming­ need ng kakapulutan ng aral dito pero di naman din po masama kung lumaban ng patas.”

Eriel Datuin: “‘This will last a lifetime’. Ugh sana hindi yan totoo. Don’t be like FPJ na never ending.”

Mark Kevin Marbani: “Marga if you’ll find out that Cassie is a true blooded Mondragon you’ll surely realize that you’ve already lost the fight. Ahhaaha.”

Princessa Vera­no: “Kaya I love this show, lumalaban na yung mga inaapi unlike before na iyak lang!! Nku daniella, khit anung balak mo, wala ka pa rin! Cant wait na makita maghirap cya.”

Princess Carps: “Pakituruan naman lumaban si Cassie. I mean yung sa kanya padin lagi yung last words nawawala pagka gusto ko kay Andrea eh baka masampal ko yan kapag nakita ko yan sa mall.”

RaizaaAziii Rye: “Direk pls kht isa lng bgyan nyo ng kunting galit si Cassie para naman makalaban ky marga. Parang d marunong mambato ng salita ei, laging naiiwan ni marga na nganga.”

dodoy pogi: “‘This will last a lifetime’ -Marga Bartolome at may tatalo na po sa Ang Probinsyano sa patagalan magwakas.”

Haydie Galvez: “Yan naman si Cassie nakakawala ng gana di marunong lumaban kay Marga, sobra na kamalditahan si Marga. Lumaban ka naman Cassie nakaka-badtrip ka!”

Jayson Garcia: “The best talaga ang KG.. Nagwowork ako at ang uwi ko saktong tapus na ang KG pero inaabangan ko talaga lagi ung mga inaapload na episodes bago ako matulog.. Love u Romina.”

Life Colors: “Nice. Buti naman at not guilty. Hay salamat naman at makatao ang writer at direktor. Sorry na. D ko kasi maiwasan na i-compare ‘to sa halik (na sobrang nakaka stress to the point na yung bida ang tatanga at aping api)… hindi ko ‘to nasimulan sa umpisa pero nagandahan talaga ko. Galing ng mga sagutan nila.”

The post ‘Kadenang Ginto’ kakabugin ang ‘Probinsyano’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *