Kabugan sa biritan nina Regine, Zsa Zsa trending

Napa-throwback ang marami sa kantahan nitong Oktubre 4, dahil puro soundtrack ng mga local at international movies ang inawit ng mga artist sa tema nilang “ASAP Natin ‘To at the Movies.”

The post Kabugan sa biritan nina Regine, Zsa Zsa trending first appeared on Abante.

kabugan sa biritan nina regine zsa zsa trending - Kabugan sa biritan nina Regine, Zsa Zsa trending
Regine Zsa Zsa - Kabugan sa biritan nina Regine, Zsa Zsa trending

Napa-throwback ang marami sa kantahan nitong Oktubre 4, dahil puro soundtrack ng mga local at international movies ang inawit ng mga artist sa tema nilang “ASAP Natin ‘To at the Movies.”

Mula sa kani-kanilang sikat na pelikula naman ang handog nina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla. Si Asia’s Songbird, madamdamin ang performance ng “Ikaw” mula sa “Dahil May Isang Ikaw” at “Pangarap Kong Ibigin Ka” mula sa pelikula niyang may parehong pamagat kung saan nakasama niya si Christopher de Leon.

Tagos-puso naman ang pag-awit ni Divine Diva ng “Mula Sa Puso” mula sa pelikula niyang “My Darling Domestik” at “Minsan Lang Kita Iibigin” mula sa pelikula nila nina Maricel Soriano at Gabby Concepcion.

Patok sa viewers ang biritan ng dalawa na dinumog ang trending topics sa Twitter Philippines sa mga hashtag na #ASAPNatinTo, #RegineASAPVersions, at WeLoveYou Songbird.

Ano naman kaya ang magiging tema sa susunod na linggo? Marami nga ang nag-aabang sa mga pasabog ng “ASAP” na isa sa mga pinakatinututukang palabas talaga ng fans tuwing weekend sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube. (Dondon Sermino)

The post Kabugan sa biritan nina Regine, Zsa Zsa trending first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *