Kabog sina Thor, Iron Man: ‘The Rock’ tinanghal na highest-paid actor

Kabog sina Thor, Iron Man: ‘The Rock’ tinanghal na highest-paid actor

Ang Hollywood action hero na si Dwayne “The Rock” Johnson­ ang highest-paid ­actor ng 2019 ayon sa Forbes magazine. Mula June 2018 hanggang June 2019, kumita ng $89.4 million ang wrestler-turned-movie star.

kabog sina thor iron man the rock tinanghal na highest paid actor - Kabog sina Thor, Iron Man: ‘The Rock’ tinanghal na highest-paid actor
the rock 1 - Kabog sina Thor, Iron Man: ‘The Rock’ tinanghal na highest-paid actor

Ang Hollywood action hero na si Dwayne “The Rock” Johnson­ ang highest-paid ­actor ng 2019 ayon sa Forbes magazine. Mula June 2018 hanggang June 2019, kumita ng $89.4 million ang wrestler-turned-movie star.

Bukod sa mga hit movies­ ­­niya, kumita rin si The Rock sa kanyang HBO series na “Ballers” ng $700,000 per ­episode. May sarili ring clothing, shoe and headphone line si The Rock na Under Armour kung saan kumikita siya ng milyones.

Pumangalawa kay The Rock ay ang Marvel film hero na si Thor aka Chris Hemsworth na may kita na $76.4 million dahil sa mga pelikula nito, kasama na ang highest grossing film of all-time na “Avengers: Endgame”.

Pangatlo naman ay si Iron Man na si Robert Downey, Jr. na kumita ng $66 million dahil sa Marvel film franchise.

Pang-apat ay ang Bollywood star na si Akshay Kumar with $65 million earnings dahil sa mga hit movies nito sa India.

Nasa 5th spot naman ay si Jackie Chan with $58 million na kinita nito sa mga ­pelikulang pino-produce niya in Hong Kong.

Ang iba pang nakasama sa Top 10 ay sina Bradley Cooper ($57 million); Adam Sandler ($57 million); Chris ­Evans ($43 million); Paul Rudd ($41 million) and Will Smith ($35 million). (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *