Kabog ang mga bibidahing artista: Dimples binigyan ng bahay ang kasambahay

Pinaiyak nang husto nina Dimples Romana at mister na si Boyet ang kanilang mga follower, dahil sa emotional video na pinoste ng aktres sa Instagram.

The post Kabog ang mga bibidahing artista: Dimples binigyan ng bahay ang kasambahay first appeared on Abante.

kabog ang mga bibidahing artista dimples binigyan ng bahay ang kasambahay - Kabog ang mga bibidahing artista: Dimples binigyan ng bahay ang kasambahay
Dimples - Kabog ang mga bibidahing artista: Dimples binigyan ng bahay ang kasambahay

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Kabog ang mga bibidahing artista: Dimples binigyan ng bahay ang kasambahayPinaiyak nang husto nina Dimples Romana at mister na si Boyet ang kanilang mga follower, dahil sa emotional video na pinoste ng aktres sa Instagram.

Nakapaloob sa IGTV ni Dimples ang sorpresa sa kanyang kasambahay na si Ate Vi. Sinimulan nina Dimples at mister niya ang introduction sa vlog na pinupuri nila ang kasambahay dahil sa kabutihan, pag-alaga at hindi pag-iwan sa kanila noong mga panahong hindi nila ito masuwelduhan sa loob ng 7 buwan.

Dahil itinuturing na nila itong pamilya, halos lahat ng mga desisyon ay isinasama nila ito, maging sa pagpili ng mga bahay na ipinupundar nila.

Halos dalawang dekada nang naglilingkod si Ate Vi sa pamilya ni Dimples, kaya gusto nilang gantihan ang kabutihan nito.

Sa vlog mapapanood na inikot nina Dimples at Boyet si Ate Vi sa buong bahay. Tinatanong nila ang opinyon nito sa kung ano ang masasabi nito sa itsura ng bahay, na inaprubahan naman ni Ate Vi.

Pagdating sa 2nd floor ay tumambad ang stand-in life size photo ni Ate Vi at mga balloon initials na nagsasabing “Oo para sa’yo ito”, na ang ibig sabihin ay ibinibigay ng mag-asawa ang property sa kanilang kasambahay.

Magkahalong tawa, luha ang naging reaksyon ni Ate Vi. Hindi siya makapaniwala na bibigyan siya ng bahay.

Hindi napigilan nina Dimples at Boyet na umiyak sa nakitang kasiyahan kay Ate Vi. Kahit kami ay napaluha rin sa madramang eksena lalo at tila isang fairy tale ang kuwento ng buhay ni Ate Vi.

Mababasa sa mga comments na sila man ay naantig na ginawa ng mag-asawa. Sabi nina Dimples at Boyet, wala silang maisip na regalo para pasalamatan si Ate Vi, kundi ang bigyan ito ng sariling bahay.

***

Regine-Ogie pabor sa Leila-Mito relasyon

Ang kasintahan ni Leila Alcasid na si Mito Curtis ang tila natatanging bisita nito sa kanyang kaarawan kamakailan. Mismong ang stepmom ni Leila na si Regine Velasquez ang nagposte ng larawan ni Leila katabi ang boyfriend.

Kuha ang larawan ng intimate lunch sa bahay nina Ogie at ni Regine.

Pinangalanan pa ni Regine sa caption ng photo si @curtismito.

Maliwanag na may blessing ni Ogie ang pagkakaroon ng boyfriend ng kanyang anak, at suportado naman ito ni Regine.

***

Edu ‘naakit’ sa 3 piloto

Biglang naenganyong sumakay ng eroplano si Edu Manzano ngayong new normal nang i-repost niya ang news feed tungkol sa all female pilot ng Philippine Airlines.

Nakaposte sa Instagram ni Edu ang larawan ng tatlong female commercial pilot at ang detalye tungkol sa mga ito.

“LOOK: PAL spokesperson Cielo Villanueva shares on Thursday, a photo of PAL’s first all-female flight deck crew on a wide body aircraft.

“The flight was led by Capt. Yvonne Sunga (a former flight attendant), assisted by Firts Officer May Marie A Segovia (former military pilot) and Second officer Marie Rose Ison Maximo (also a former flight attendant)”, wrote Villaluna on her facebook post. Cielo Villaluna.

Humanga si Edu sa achievement ng tatlong babae, kaya naman gusto niyang sumakay sa flight ng tatlo. Tinawag pa niyang mga anghel sa langit ang tatlo.

“This pic speaks a lot more than a mouthful. Kudos to the Philippine Airlines. I’d ride with them anytime!!! Bring on the “new normal” #pal #angelsinthesky #goodvibes #letsshowthemsomelove @cielovillaluna,” sey ni Edu.

***

Tagumpay ni Angeli binalewala

Habang inuulan ng post ang pagwawagi ng mga programa ng ABS-CBN 2 sa kakatapos lang na Asean Academy Creative Awards, tila wala man lang napansin sa pagwawagi ng isang Pinay indie actress sa nasabing film festival.

Si Direk Erik Matti lang ang nagbigay importansya kay Angeli Bayani na nanalong best actress para sa kategoryang Best Single Drama mula sa pelikula nyang Island of Dreams na ipinalabas sa HBO, under Warner Media.

Pinoste ni Direk Matti sa kanyang Instagram ang larawan ni Angeli at ang pagwawagi nito. Binati ni Direk Matti ang indie star.

“Congratulations @angelibayani in the words of Kanye West “Amazing! So amazing! Its amazing! Congratulations to @hboasia too for #FoodLore #IslandofDreams.”

Hindi kasi mainstream actress si Angeli kaya hindi napansin ng marami sa entertainment industry ang kanyang mga achievement. Pero sa totoo lang, marami na siyang nagawang international film.

Sa mga film festival abroad, markado ang pangalan ni Angeli bilang mahusay na aktres.

The post Kabog ang mga bibidahing artista: Dimples binigyan ng bahay ang kasambahay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *