Kabastusan ng Ex Battalion ‘di kinaya ni Ai-Ai

Kumalas na si Ai-Ai delas Alas bilang official manager ng rap group na Ex B­attalion. Tatlong buwan matapos pumirma ng kontrata ang grupo sa kanya, lumbas na ang pagiging pasaway nila at kawalan ng respeto sa kanya.

The post Kabastusan ng Ex Battalion ‘di kinaya ni Ai-Ai appeared first on Abante News Online.

kabastusan ng ex battalion di kinaya ni ai ai - Kabastusan ng Ex Battalion ‘di kinaya ni Ai-Ai
AIAI DELAS ALAS - Kabastusan ng Ex Battalion ‘di kinaya ni Ai-Ai

abante i know better jun nardo 336x224 - Kabastusan ng Ex Battalion ‘di kinaya ni Ai-AiKumalas na si Ai-Ai delas Alas bilang official manager ng rap group na Ex B­attalion. Tatlong buwan matapos pumirma ng kontrata ang grupo sa kanya, lumbas na ang pagiging pasaway nila at kawalan ng respeto sa kanya.

“Nandito po ako, pinatawag ko kayong lahat para i-announce na magku-quit po ako as manager ng Ex Battalion,” simula ni Ai-Ai sa ipinatawag na pocket interview.

“Magku-quit, aalis, magli-leave, bibitaw, lalayo! Lahat ng verb, lahat ng noun, lahat ng adjectives. ‘Yun po ang dahilan kung bakit lahat tayo ay nandito.

“Bakit? Ahhh, sabi nga nila, honesty is the best policy at saka truth will set us free.

“Hindi ko na kaya ‘yung stress. Hindi ko na kaya ‘yung mga ginagawa nila. Ayaw ko nang malaman in case na may gagawin sila ulit na hindi maganda sa career nila kaya magku-quit na lang ako. Ayoko ng stress sa buhay ko,” rason ng Comedy Queen.

Hindi naman daw lahat ng members ay p­asaway.

“James is okay. Si Ren, okay rin paminsan-minsan. Si Jon, okay ‘yung pagka-professional niya sa pagtatrabaho. Lovelife lang niya ang may problema. But still, wala naman akong pakialam sa buhay nila. Ang sa akin, ‘yung professionalism and how the treat people. At me, kung paano nila ako tratuhin. ‘Yun ang sa akin,” dagdag niya.

Wala silang respeto sa kanya?

“Minsan walang respeto sa akin. Hindi nila ako sinusunod,” tugon ni Ai.

Matagal na sana niyang gustong bumitaw bilang manager. Nahihiya lang daw siya sa Viva Films dahil sa pelikulang “Sons of Nanay Sabel.”

Kahit may natitira pang buwan sa pinirmahan nilang kontrata, kinonsulta ni Ai-Ai ang lawyer niya at wala naman daw problema dahil siya ang bumitaw.

May isang event na iniyakan ni Ai-Ai pati na producer at road mana-ger nila.

“Sa Ilocos ba o Abra ‘yung event nila. ‘Yung isa, bibili raw ng costume, magpapakulay ng buhok, naiwan ng flight, ‘yung isa, ayaw gumising at ‘yung isa, hindi raw makakanta. So tatlo na lang ang natira.

“Umiyak ‘yung producer, umiyak na rin ako. Hiyang-hiya ako. Ano’ng sasabihin ko? Buti may isang show pa kinabukasan at ‘yung tatlo ang duma-ting, ‘yung naiwan.

“Maraming insidente na hindi sila sumisipot at ako ang nagto-trouble shoot. So nahihiya na rin ako sa mga taong nao-oo-han ko tapos, biglang ayaw na nila.

“Ang last straw eh dapat kasama sila sa meeting nila ni Bong Go. Um-oo sila sa akin. Mga 11 o-clock, ayaw na nila kasi kulang na naman! Ayaw na nilang kumanta kasi nagwala ang isa sa chat.

“So ano ang gagawin ko? Umiyak na lang ako!” bulalas pa ni Ai-Ai.

Na-stress man siya bilang manager, “At least, nakatulong ako sa kanila!” diin ng Comedy Queen.

The post Kabastusan ng Ex Battalion ‘di kinaya ni Ai-Ai appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *