K-pop Alden pantapat ng GMA sa ASAP

Sa Sunday (Oct. 11) nga ay mapapanood na ang ASAP Natin ‘To sa A2Z Channel 11, at siyempre, hindi papayag ang katapat nitong programa sa GMA 7, ang ‘All-Out Sundays’ na makabog sila.

The post K-pop Alden pantapat ng GMA sa ASAP first appeared on Abante.

k pop alden pantapat ng gma sa asap - K-pop Alden pantapat ng GMA sa ASAP
Alden Richards 1 - K-pop Alden pantapat ng GMA sa ASAP

Sa Sunday (Oct. 11) nga ay mapapanood na ang ASAP Natin ‘To sa A2Z Channel 11, at siyempre, hindi papayag ang katapat nitong programa sa GMA 7, ang ‘All-Out Sundays’ na makabog sila.

Kaya naman ngayon pa lang ay todo na ang paghahanda nila para sa episode nila sa Linggo. Kabog kung kabog, dahil sama-sama lahat ng mga malalaking artista ng Siyete.

Dapat nga raw abangan ang all-out K-pop opening number nina Alden Richards, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Glaiza de Castro, Miguel Tanfelix at Julie Anne San Jose.

Makikisaya rin ang cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na sina Barbie Forteza, Kate Valdez at Migo Adecer pati na rin ang Prima Donnas stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Will Ashley, Vince Crisostomo, at Elijah Alejo.

Present din ang stellar cast ng upcoming GMA drama anthology na ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ na sina Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, at Lovi Poe.

Pagalingan naman sa pag-arte sina Jeric Gonzales, Paul Salas, at Denise Barbacena sa “Ang Drama Mo” kasama ang guest judge na si Rhian Ramos. (Dondon Sermino)

The post K-pop Alden pantapat ng GMA sa ASAP first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *