K Brosas inalaska mga pulis

Nagpasaring na naman si K Brosas para alaskahin ang nag-viral video na kuha sa routine exercise ng mga military at policemen sa Camp Bagong Diwa sa pangunguna ni MGEN Sinas.

The post K Brosas inalaska mga pulis first appeared on Abante.

k brosas inalaska mga pulis - K Brosas inalaska mga pulis
K Brosas - K Brosas inalaska mga pulis

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - K Brosas inalaska mga pulisNagpasaring na naman si K Brosas para alaskahin ang nag-viral video na kuha sa routine exercise ng mga military at policemen sa Camp Bagong Diwa sa pangunguna ni MGEN Sinas.

Iba-iba ang reaksyon ng netizen sa video at kabilang nga si K sa nang alaska sa kanyang tweet.

“Sinabayan ko to…Di ko natapos kc naipitan ako ng ugat sa hirap chos!” tweet niya.

Nilagyan ng tumatawang emoji at peace icon ang tweet para ipakitang nagbibiro lang ang komedyante. Kung bakit ganito ang reaksyon ni K, mapapanood na hindi umaalis sa kanilang upuan ang puwersa sa exercise.

Kamay, paa at pagbaba at taas lang ng mga katawan ang gumagalaw.

Nakadagdag pa ng aliw ang routine sa saliw ng awiting Voltes V.

Janine best actress sa Gawad Urian

Buong pamilya, kaibigan, at dyowang si Rayver Cruz, ni Janine Gutierrez ang nagbunyi sa pagwawagi ng aktres sa Gawad Urian bilang best actress para sa pelikulang “Babae at Baril”.

Una na ang nanay na si Lotlot de Leon na nag-post agad sa Instagram ng kasiyahan sa achievement ng anak. Kasunod ang ama ni Janine na si Ramon Christopher, na nag-‘i love you so much’ pa kay Janine.

At siyempre, hindi nagpahuli si Rayver na naniguro na sa mga susunod pang acting award na makukuha ni Janine.

Ginawa nga online ang pagbibigay ng award kay Janine dahil sa banta ng COVID-19, kaya sa socmed din idinaan ng aktres ang pasasalamat sa natanggap na award.

“Maraming maraming salamat sa Manunurinng Pelikulang Pilipino for acknowledging everything we were trying to achieve with this film for Filipina women. So honored and humbled and grateful to be part of team #BabaeAtBaril!! Hindi man tayo nakadalo sa New York at Osaka, ibang klaseng karangalan ang mapansin ng ating Gawad Urian (at para sa akin, mapasama sa hanay ng mga artistang matagal ko nang hinahangaan). Sa bumubuo ng pelikula i look up all to you immensely!!!! Congratulations,” sabi ni Janine.

Kris nagsayaw sa kalye

Nadagdagan na naman ng antibiotics ang maintenance medicines ni Kris Aquino kaya masasabing literal na nabubuhay siya sa drugs.

Sa Instagram post niya na kuha sa shoot para sa isang online shopping, ibinahagi niya ang kasiyahang nagsayaw siya sa kalye para sa kinunang ad. Pero hindi na nito magagawa ang dapat sana’y dalawang event sa nasabing online shopping dahil sa throat examination procedure nito.

Sa ngayon dumidepende si Kris sa antibiotic para gamutin ang ubo niya.

May gamot din itong iniinom para sa acid reflux.

Ilang gamot kaya ang iniinom ni Kris sa loob ng isang araw sa kasalukuyan?

Mike hinangaan sa cake

Hinangaan ng mga follower si Mike Tan na nag-ala Marian Rivera para sa baby niya (8 buwan). Pinoste ni Mike sa Instagram ang dalawang larawan ng paggawa niya ng cake.

Masisilip ang pagdi-design ni Mike sa frosting ng cake na may hugis 8 (eight). Nilagyan ang ibabaw ng mga peach color flower frost.

Ipinagmalaki ni Mike ang nagawang cake. Bumilib ang mga follower sa kanya dahil maayos at maganda ang trinabaho niyang cake.

Hindi nalalayo si Mike kay Marian nang mag-bake ng cake para sa 1st b-day ng bunso nila ni Dingdong sa panahon ng lockdown.

Sabi ng mga fan ni Mike may future ito sa pagbi-bake ng cake kung siseryosohin nito ang nadiskubreng kakayahan.

The post K Brosas inalaska mga pulis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *