Justin, Hailey wedding pinasabog ang socmed

Bumatingting ang pagkalakas-lakas na wedding bells lalo na sa Twitter world nang muling ikasal sa pangalawang pagkakataon ang mga sikat na personalidad na sina Justin Bieber at Hailey Baldwin noong Lunes, September 30.

justin hailey wedding pinasabog ang socmed - Justin, Hailey wedding pinasabog ang socmed
justin x hailey - Justin, Hailey wedding pinasabog ang socmed

Bumatingting ang pagkalakas-lakas na wedding bells lalo na sa Twitter world nang muling ikasal sa pangalawang pagkakataon ang mga sikat na personalidad na sina Justin Bieber at Hailey Baldwin noong Lunes, September 30.

Ikinasal ang dalawa last year sa New York City courthouse (September rin), at ngayon naman ay mas bongga at religious ang espesyal na kaganapan para sa dalawa na ginanap sa low-country island town ng Bluffton kung saan talagang historic ang lugar.

Hindi inaasahan ng kahit sino man sa mga tao sa kanilang paligid o kanilang mga fan na doon magaganap ang pangalawang kasal ng dalawa, dahil wala ni isa sa kanila ang may kinalaman sa lugar na iyon. Si Justin ay nagmula sa Ontario, Canada, habang si Hailey naman ay nagmula sa New York City.

Kilala talaga ang lugar na ‘yon na karaniwang pinaggaganapan ng mga kasal dahil sa historic feels nito. Triple rin ang kilig feels ng mga fan nang malaman nga na roon ginanap ang kanilang kasal dahil talagang napaka-romantiko ng kanilang relasyon.

Nanguna nga sa top trending list sa Twitter ang usapan tungkol sa kasal ng dalawa na hindi talaga mapigilan ang paglago pa lalo ng mga tweet dahil hindi rin inaasahan ng mga fan na magiging ganoon ito ka-romantiko, plus tila biglaan din ang balitang ikakasal sila ulit.

Mapapa-“Sana All” ka na lang talaga kapag nakita sina Justin at Hailey sa kanilang second knotting.

Mababasa mo rin ang pag-iyak ng maraming kababaihan sa Twitter dahil sa inggit kay Hailey. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *