Justice for Nadine, Sam sigaw ng mga fan

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbawas ng sinehan na pinaglalabasan ng pelikulang “Indak”. Bida sa pelikulang ito sina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

justice for nadine sam sigaw ng mga fan - Justice for Nadine, Sam sigaw ng mga fan
ABANTE sam nadine - Justice for Nadine, Sam sigaw ng mga fan

KathDen sinisi:

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbawas ng sinehan na pinaglalabasan ng pelikulang “Indak”. Bida sa pelikulang ito sina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Labis na ikinalungkot at inireklamo ng mga fan ang pagkonti ng mga sinehan ng “Indak”.

Matapos umano ang premiere night nito noong Agosto 7, kaunting sinehan pa lamang ang pinag­labasan nito.

“Can’t find INDAK in cinemas near me now need to change plan huhu. I checked GMOVIES and found only 34 Cinemas nationwide are screening for them. No one to blame but their management’s plan on timing & consistent neglect of promotion. Jadine must leave them imm!!

#JusticeForIndak,” hinaing ng isang fan sa Twitter.

May iba na isinisisi ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” sa pagbaba ng benta ng “Indak”, dahil ito nga ang hyped ngayon sa nakararami.

“I’m sorry, blaming HLG isn’t gonna help. Why not start doing something productive like block screenings in cinemas where INDAK is still available?

Or promote INDAK in different social media platforms. No to bashing, shading and hating HLG. #JusticeForIndak” tanggol naman ng isa sa mga fan.

Sobra ang panghihinayang ng mga fan sa kaunting sinehan na palabas ang “Indak” dahil ito nga ang kauna-unahang dance movie sa bansa.

Sigaw pa ng mga fan, hindi deserve ng pelikulang iyon ang nangyari sa kanilang pelikula dahil pinaghirapan nila Nadine iyon. Trending nga sa Twitter ang #JusticeForIndak.

Hiling pa ng mga fan ay marinig ang kanilang mga hinaing na dapat ay mas paramihin pa ang sinehan na pinaglalabasan ng naturang pelikula. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *