Jun Jin kasal na

ANG isa sa mga miyembro ng Shinhwa na si Park Choong Jae o mas kilala bilang si Jun Jin ay officially married na.

The post Jun Jin kasal na first appeared on Abante.

jun jin kasal na - Jun Jin kasal na
tonite junjin - Jun Jin kasal na

Rose Garcia Annyeong 3 1 300x200 - Jun Jin kasal naANG isa sa mga miyembro ng Shinhwa na si Park Choong Jae o mas kilala bilang si Jun Jin ay officially married na.

Si Jun Jin ang ikalawa sa anim na miyembro ng Shinhwa na nag-asawa. The first one was Eric na nagpakasal sa actress na si Na Hye Mi noong 2017.

Ikinasal si Jun Jin sa kanyang non-celebrity girlfriend sa isang private ceremony noong September 27. Apat na buwan mula nang ianunsiyo niya sa publiko ang kanilang engagement.

Dahil daw sa pandemic, na-delay pa ng two weeks sa original wedding date sana nila, which was September 13. Pribado ang naging kasalan na dinaluhan lang ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

40 years old na si Jun Jin sa kanyang Korean age. At kung mapapansin, tila normal na talaga sa mga Korean male celebrities na sa ganitong edad pa lang naiisip na magpakasal.

Masaya naman at positibo ang comment ng mga netizen sa pagpapakasal na ito ng Shinhwa member. At ngayon pa lang, looking forward na sila sa kung sino raw kaya sa natitira pang apat na miyembro ng boy group ang susunod na magpapakasal din.

The post Jun Jin kasal na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *