Julie Anne sumang-ayon:Benjamin ‘asshole’, ‘kapalmuks’

Mukhang matindi pa rin ang galit ni Julie Ann San Jose sa dating kasintahang si Benjamin Alves. Nag-like kasi si Julie Ann sa tweet ng isang netizen na nanlalait kay Benjamin at tumawag ditong “asshole”.

julie anne sumang ayonbenjamin asshole kapalmuks - Julie Anne sumang-ayon:Benjamin ‘asshole’, ‘kapalmuks’
ABANTE julie 1 - Julie Anne sumang-ayon:Benjamin ‘asshole’, ‘kapalmuks’

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Julie Anne sumang-ayon:Benjamin ‘asshole’, ‘kapalmuks’Mukhang matindi pa rin ang galit ni Julie Ann San Jose sa dating kasintahang si Benjamin Alves. Nag-like kasi si Julie Ann sa tweet ng isang netizen na nanlalait kay Benjamin at tumawag ditong “asshole”.

Nag-tweet si @bluerthanblue ng photo shot ng pagla-like ni Benjamin sa comment ni @reggiebadayos02 na nagsasabing “@myjaps left the group.”

Sa photo, naroon ang Instagram shot ni Benjamin kasama ang rumored model girlfriend nito habang sila ay nasa bar at nag-iinuman.

Nilagyan ito ng comment at caption ni Bluer Than Blue at sinabing, “Asshole Level: BENJAMIN ALVES KAPAL NG MUKHA!”

Makikita sa tweet ni Bluer ang “like” ni Julie Ann sa post.

Napansin din ito ng ilan sa mga naka-follow kay Bluer na pawang mga tagahanga at supporter ng Kapuso singer/actress.

Maja sobrang kilig sa titig ni Rambo

Kinilig nang husto si Maja Salvador sa Instagram post ng dyowang si Rambo Nuñez para sa kaarawan nito. Makikita sa IG ng businessman ang larawan nilang dalawa ni Maja, at nakatingin lang ito sa mukha ng “The Killer Bride” lead star.

Sa caption, sinabi nitong @rambonunez, “can’t stop staring at my best birthday gift this year.”

Hindi nagpahuli si Maja at nagpaka-wala rin ito ng komentong naglalantad sa nararamdaman niyang pagmamahal sa kasintahan.

“kinilig po ako kyah @rambonunez, iniibig kita,” say ni Maja.

Siyempre, ikinatuwa ito ng mga supporter ng aktres, na botong-boto naman kay Rambo.

Winnie, Ariel 15 taon na ang ‘relasyon’

Ayaw magkaroon ng ilusyon ni Winnie Cordero sa impression namin sa kanilang show ni Ariel Ureta na “Todo Todo, Walang Preno”, na ang nasabing programa nila ay mas kumpleto ang sangkap sa pagiging magazine show kaysa sa ibang ganitong programa sa Kapamilya.

Base sa napanood naming teaser ng show ng dalawa na mapapanood sa teleradyo ng DZMM, interesting ang mga segment ng programa nila.

Nagpasa-lamat si Winnie at in-acknow-ledge nito ang kanilang team na masipag mag-research ng mga feature sa show.

Prangkahan namang sinabi ni Ariel na may mga guest sila na walang laman ang mga pinu-promote ng mga ito, pero deadma na lang sila lalo’t ang intensyon ng ilang mga bisita nila ay mag-promote lang.

Nakaka-15 years na ang tandem na ito nina Winnie at Ariel, kaya basa na nila ang isa’t isa.

Samantala, mapapanood ang TTWP araw-araw, mula Lunes hanggang Biyernes sa DZMM Teleradyo, at mapapakinggan ito sa Radyo Patrol 630.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *