Julie Anne ipapalit sa trono ni Regine

Tinupad ng GMA-7 at ni Regine Velasquez ang panga-ko at announcement nila noong nakaraang taon na masusundan pa ng panibagong season ang kanilang singin­g competition na “The Clash”.

The post Julie Anne ipapalit sa trono ni Regine appeared first on Abante News Online.

julie anne ipapalit sa trono ni regine - Julie Anne ipapalit sa trono ni Regine
Julie Ann San Jose - Julie Anne ipapalit sa trono ni Regine

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Julie Anne ipapalit sa trono ni Regine
Tinupad ng GMA-7 at ni Regine Velasquez ang panga-ko at announcement nila noong nakaraang taon na masusundan pa ng panibagong season ang kanilang singin­g competition na “The Clash”.

Naka-post sa Instagram ni Ai-Ai delas Alas ang balita tungkol sa pagbabalik sa ere ng programa.

Naka-post din ang lugar at oras kung saan gaganapin ang malawakang audition.

Dahil nag-announce na si Ai-Ai sa kanyang IG wall, nangangahulugang kabilang pa rin siya sa show bilang judge. Ang mga dating hurado na kasama ay sina Lani Misalucha at Christian Bautista.

Nasa Kapamilya network na si Regine at wala pang announcement kung sino ang maghu-host ng programa. Kung kami ang tatanu-ngin, hinog na si Julie Ann San Jose sa h­osting at tamang-tama lang itong humalili sa puwesto ni Regine sa show.

Anak ng politiko, sexy star pasok sa Star Magic

Hindi pa man nalalaos ang mga young star ng Kapamilya Network, nag-launch na agad ang istasyon ng mga bagong contract artist, ang 2019 Star Magic Circle. Labing-anim na mga magaganda, guwapo at talentadong kabataan ang ipinakilala sa media.

Walang tulak-kabigin sa mga bagets lalo at lahat sila ay sikat na sa mga commercial. Ang ilan sa kanila ay nakalabas na sa mga teleserye at pelikula.

May kamukha si Janine Gutierrez. Kasama rin ang anak ng isang dating aktres na si Rhina Reyes, si Sophie Reyes, na tulad ng ina ay mahusay ring kumanta, sumayaw, mag-compose.

Anak ng isang politician ang isang member na malaki ang potential na maging heartthrob. Ito ay si Javi Benitez, na anak ni Negros Occidental Congressman Albee Benitez.

Future beauty queen at international model ang isa sa kanila, na sa edad na 12 ay may height na itong 5’ 8” na pang-beauty queen talaga. Siya ay si Aiyana Waggoner na mula Pampanga. Kuwento niya, mula Pampanga ay nagba-bus lang sila pa-Manila para makapunta sa ABS CBN.

Ang iba pang mga kasama ay sina Gillian Vicencio (19), Belle Mariano (16), Glen Vargas (23), Kendru Garcia (20), Arielle Roces (22), Eissel Serrano (20), RA Lewis (21), Arabella Del Rosario (17), Anthony Jennings (18), JC Alcantara (19), Melissa Jimenez (17), Jeremiah Lisbo (20).

Kabilang sa sini-lunsad sa batch na ito ang ka-love team ni Francine Diaz sa “Kadenang Ginto” na si Kyle Echarri, na member rin ng “The Gold Squad” kung saan kabilang din sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

The post Julie Anne ipapalit sa trono ni Regine appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *