Julie Anne-Alden movie niluluto ni Direk Louie Ignacio?

Malaking pera, matinding pagod, mahabang paghahanda ang sama-samang puhunan ng Sunny Side Up Productions (nina Direk Louie Ignacio at Maestro Danny Tan) at GMA Network para kay Julie Anne San Jose.

The post Julie Anne-Alden movie niluluto ni Direk Louie Ignacio? appeared first on Abante News Online.

julie anne alden movie niluluto ni direk louie ignacio - Julie Anne-Alden movie niluluto ni Direk Louie Ignacio?
ABANTE julie - Julie Anne-Alden movie niluluto ni Direk Louie Ignacio?

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Julie Anne-Alden movie niluluto ni Direk Louie Ignacio?Malaking pera, matinding pagod, mahabang paghahanda ang sama-samang puhunan ng Sunny Side Up Productions (nina Direk Louie Ignacio at Maestro Danny Tan) at GMA Network para kay Julie Anne San Jose.

Sasabak na nga sa mas pinabonggang concert ang Asia’s Pop Sweetheart, ang “Julie Sings the Divas” na gaganapin sa Solaire Hotel sa July 20.

Imagine, pagsasama-samahin sa concert na ito ang mga sikat na awitin ng mga diva na sina Barbra Streisand, Whitney Houston, Celine Dion at Mariah Carey, na sasamahan pa ng UP Arco String Orchestra, under the baton nga of musical director Maestro Danny Tan.

“I am looking forward to this concert because it’s going to be different and of course, it’s very personal to me. I’m going to perform with an orchestra, which I’ve never done before in my past concerts and I’ve always wanted to do something like that. The songs and performances here will have a new approach to them and I think the audience will very much enjoy what we’ve prepared. I’m very excited,” sabi ni Julie.

Kasama rin sa concert na ito sina Arnel Pineda and the UP Concert Chorus.
Para sa detalye, tawag lang sa 891-9999.

Siyanga pala, sa presscon ni Julie ay tinanong namin siya kung handa na ba siyang gumawa ng project with Alden Richards, na nakakasama naman niya sa “Sunday PinaSaya” tuwing Linggo.

At yes naman ang sagot niya. Dahil wala naman daw talagang isyu sa kanila, at kung meron man, matagal na raw ‘yong natapos.

Medyo naiilang lang si Julie Anne na pag-usapan si Alden, dahil siguro sa takot na baka kuyugin na naman siya ng mga fan ni Alden. ‘Di ba nga, kulang na lang ay barilin si Julie Anne ng mga galit na galit na supporter noon ni Alden.

Pero, okey na nga ang lahat, at malay mo, magkaroon pa ng pelikula ang dalawa, at si Direk Louie rin ang magdidirek, at magpoprodyus na rin? Assuming lang kami.

Although sinabi ni Direk Louie na may project siyang niluluto para kay Julie Anne, pero wala pa itong de-talye, ha!

“I don’t know what to say to that. Pero, okey naman kami. Basta ako focused lang ako sa work ko,” sabi ni Julie Anne.

KathDen magpapakilig sa Gateway

Speaking of Alden Richards, mukhang lilibutin nga nito ang lahat ng mall sa Pilipinas, kasama siyempre si Kathryn Bernardo, para i-promote ang pelikula nilang “Hello, Love, Goodbye.”

Katunayan, ngayong hapon ay nasa Gateway Mall sila, na paboritong puntahan na rin ng mga artista ngayon para mag-promote. Sa ganap na 4pm nga ay nasa Gateway Activity Area stage sila.

Kaya para sa mga fan na gustong makita ang mga idolo nila, gorabels na kayo sa Gateway Mall. A purchase of “Hello, Love, Goodbye” movie ticket at the Gateway activi-ty area on the day of the event gives one access to the activity area for the much-awaited mall show with exci-ting games. Senior and discounted tickets purchased there are excluded from this promo.

Ilan na nga pala sa dumayo sa Araneta Center’s Gateway Mall ay sina Darren Espanto, Japanese drum troupe Drum Tao, the Japanese Tsugaru Shamisen player Keisho Ohno to celebrate and promote the 22nd Eigasai film festival, pati na sina Dingdong Dantes, Anne Curtis, at Bea Alonzo and Aga Muhlach.

Asia’s Pop Sweetheart sa ‘I-Bilib’

And speaking of Julie Anne San Jose naman, siya naman ang bisita ngayon nina Chris Tiu, James & Roadfill. Tutulong nga siya sa pagdiskubre ng katotohanan behind the mysterious toilet paper roll that can untangle the knot in a string!

At sa “Bilibabols,” it’s Team Roadfill versus Team Kate Valdez in a sea relay race in Destino Beach Resort, Batangas.

Sa “Huling Hirit,” the gang’s intelligence is tested when Chris asks them to trace a shape by using just one line. Tutok lang sa Sunday morning show ng GMA, ang “I-Bilib!”

The post Julie Anne-Alden movie niluluto ni Direk Louie Ignacio? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *