Juliana Gomez takaw-pansin ang kagandahan

Nakita ko si Juiana Gomez sa Power Plant Mall sa Rockwell, Makati City noong Sunday.

juliana gomez takaw pansin ang kagandahan - Juliana Gomez takaw-pansin ang kagandahan
juliana - Juliana Gomez takaw-pansin ang kagandahan

Jun Lalin Anything Goes 10 336x224 - Juliana Gomez takaw-pansin ang kagandahanNakita ko si Juiana Gomez sa Power Plant Mall sa Rockwell, Makati City noong Sunday.

Head turner ang nag-iisang anak nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Representative Lucy Torres-Gomez.

Dalagang-dalaga na si Juliana dahil 19 years old na siya.

Kahit busy sa kanyang studies sa UP Diliman (at volleyball player pa), marami pa rin ang umaasang papasukin din ni Juliana ang mundo ng showbiz.

Marami ang nagsasabing kahit huwag siyang mag-artista at mag-host na lang ng isang lifestyle show.

Assunta inip nang mabuntis

Nakita ko rin ang magkumareng Ruffa Gutierrez at Assunta de Rossi sa isang restaurant sa Power Plant Mall noong Sunday.

Kasama ni Ruffa ang panganay na anak na si Lorin Gutierrez.

“Hindi nakasama si Venice, she’s sick. Excited pa naman siya na makita ang Ninang Assunta niya,” sey ni Ruffa.

May allergy rin daw si Venice.

“Kailangan puro gluten-free ang kainin niya,” sabi pa ni Ruffa.

Sa tsikahan nina Ruffa at Assunta ay nag-advice ang una sa huli, “Girl, dapat tumanggap ka na showbiz project uli. Lahat daw tinatanggihan mo?”

Sabi naman ni Assunta, “Ayoko ma-stress. Gusto ko talaga magbuntis na. Although medyo stressful na nga dahil Ber-month na at marami na akong inaasikaso for Christmas.”

So, next year daw, gusto na talaga ni Assunta ang magbuntis dahil hindi pa rin naman sila sumusuko ng mister niyang si Jules Ledesma sa kagustuhan na magkaroon sila ng sariling anak. Although may one girl and one boy na nga si Jules na parang mga sariling anak din ang turing ni Assunta, huh!

Tony, Albie, Jerome kabugan ng abs

Naku, dapat i-check ang social media accounts ng Regal Entertainment, Inc. para sa BTS (behind the scenes) ng pelikulang “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” dahil baka may makita kayong mga bagay-bagay na puwedeng hindi makita on screen, huh!

May kaseksihan ang “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” at tiyak na maloloka kayo sa pa-abs nina Tony Labrusca, Jerome Ponce at Albie Casiño, pati ang pagpapa-sexy ng mga babaeng cast.

Ang trailer nga pala ng “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” ay naka-more than nine million views na sa social media at favorable ang feedback sa pelikula, kaya inaasahang kikita ito sa takilya.

Sa presscon nga pala kahapon ng “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” ay nag-piano si Mother Lily Monteverde nang ipagdasal ang mga kaluluwa nina Direk Mel Chionglo at Isah Red.

Magaling mag-piano si Mother Lily at ‘yon ang pinaka-tribute niya sa dalawang yumao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *