Juliana, Andres Muhlach nangangamoy relasyon

Mukhang may bagong aaba­ngan ang mga fan, lalo na ang mga chismoso, chismosa, na bagong sibol na relasyon. At ngayon pa lang, umaapaw na ang kilig dahil sa mga naglabasang video na magkasama sila.

The post Juliana, Andres Muhlach nangangamoy relasyon appeared first on Abante News Online.

juliana andres muhlach nangangamoy relasyon - Juliana, Andres Muhlach nangangamoy relasyon
julliana - Juliana, Andres Muhlach nangangamoy relasyon

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Juliana, Andres Muhlach nangangamoy relasyonMukhang may bagong aaba­ngan ang mga fan, lalo na ang mga chismoso, chismosa, na bagong sibol na relasyon. At ngayon pa lang, umaapaw na ang kilig dahil sa mga naglabasang video na magkasama sila.

Well, parehong crush ng mga millennial ang dating nina Juliana Gomez (anak nina Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres) at Andres Muhlach (ang napakaguwapong anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales).

Mukhang close na close na ang dala­wa, dahil nga close rin ang mga magulang nila. Pero, ang kakaibang chemistry, rapport nilang dalawa ang mas napansin ng mga fan.

Yes, bagay silang dalawa. May hatid na kilig ang maiksing video nila, na makikita sa kanilang mga Instagram story. Magdyowa na ba sila?

Wish ng mga fan, mag-showbiz ang dalawa, at maging magka-love team, ha!

Sey mo Khalil: Gabbi pakakasalan ng fan

Ang haba ng hair ni Gabbi Garcia! At marami talagang lalaki ang nahuhumaling sa Kapuso actress dahil sa kaniyang ganda at talento.

Hindi na ako nagulat na may isang lala­king fan na naka-gra­duate sa kolehiyo ang nag-propose ng kasal kay Gabbi. May hawak siyang papel na kung saan nakasulat ang mga linyang, “Gabbi Garcia graduate na me. Ready na akong pakasalan ka.”

Well, malabong matupad ‘yon sa ngayon, dahil alam naman natin na hindi papayag ang boyfriend niyang si Khalil Ramos. At si­yempre, busy rin si Gabbi sa pagbibidahan niyang action series sa GMA. Sabi ni Gabbi, very challenging ang role niya sa primetime soap kaya gagawin niya ang lahat para mapaganda ang serye.

GMA News TV nasa channel 27 na

Tuloy na tuloy na nga ang paglipat ng GMA News TV sa bago nitong taha­nan—sa channel 27 sa free TV—simula nga­yong June 4. Para naman sa Mega Manila viewers na gumagamit ng digital TV box, dapat ay mag-rescan na ng digital box bago matapos ang June 3 para pa­tuloy ninyong mapanuod ang GMA at GMA News TV. Para mag-rescan, kailangan lang pindutin ang “Menu” at magpunta sa “Settings”.

Sa “Installation,” piliin ang “Factory Default” (password: 0-0-0-0). Piliin ang “Yes” upang kumpirmahin ang Factory Default”.

Piliin naman ang “Auto Search” o “Auto Scan” at pindutin ang “OK”. Kapag lumabas na ang “Search Completed” sa TV screen, pindutin lang ang “OK” o “Exit” sa remote control at hanapin na ang GMA at GMA News TV.

Hindi naman na kailangan mag-rescan pa kung naka-cable o satellite connection ka.

Dingdong saksi sa nakawan ng itlog

Ngayong Linggo (Hunyo 2), maglalakbay ang top-rating GMA-7 infotainment show na “Amazing Earth” sa Mount Ngile Riverside Ecopark sa Tarlac upang ibahagi ang pinaka­mababangis na alitan sa pagitan ng prey at pre­dator sa BBC documentary na “The Hunt: In the Grip of the Seasons”.

Ipagpapatuloy ng award-winning actor/TV host at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang suspense-filled series kung saan susubukan ng Arctic fox na nakawin ang itlog ng agresibong Arctic skuas sa “Dirty Tactics”.

Samantala, isang gutom na lupon ng wolves ang makiki­pagsapalaran upang atakihin ang mapanlinlang na musk ox sa “Ang Mga Desperado”. Gagabayan naman ng mga tatay ang isang heneras­yon ng guillemot chicks sa kanilang unang paglipad patungo sa karagatan sa “Ang Turo ni Tatay”.

Sa selebrasyon ng Philippine Eagle Week mula Hunyo 4 hanggang Hunyo 10, makakapana­yam ni Dingdong si Khalil Panopio, isang conservation specialist sa Haribon Foundation, tungkol sa estado ng ating pambansang ibon.

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, tuklasin at alamin ang ating kaisa-isang planeta sa “Amazing Earth” nga­yong Linggo ng gabi pagkatapos ng “24 Oras Weekend” sa GMA Sunday Grande.

The post Juliana, Andres Muhlach nangangamoy relasyon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *