Juliana, Andres Muhlach aprub kay Goma

Cool na tatay si Richard Gomez sa anak na si Juliana Gomez. Sa ginawang Instagram Live niya kunsaan, nakasama rin si Juliana, naitanong ni G3 San Diego kung ia-allow raw ba ni Richard na magkaroon ng boyfriend si Juliana na hindi rich or hindi accomplished.

The post Juliana, Andres Muhlach aprub kay Goma first appeared on Abante.

juliana andres muhlach aprub kay goma - Juliana, Andres Muhlach aprub kay Goma
Juliana x Andres - Juliana, Andres Muhlach aprub kay Goma

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Juliana, Andres Muhlach aprub kay GomaCool na tatay si Richard Gomez sa anak na si Juliana Gomez. Sa ginawang Instagram Live niya kunsaan, nakasama rin si Juliana, naitanong ni G3 San Diego kung ia-allow raw ba ni Richard na magkaroon ng boyfriend si Juliana na hindi rich or hindi accomplished.

Sabi naman nito, “Okay lang ‘yan but what important is, mabait siya sa daughter ko. Yung yaman, kapag masipag ka, masuwerte ka sa buhay, there’s always a chance for you to get through in life.”

Ibinuko naman ni Richard na nakita na raw niya ang kanyang unica hija na umiyak. When asked kung ano ang ginawa niya as Tatay, si Juliana ang sumagot na ‘pag sa matter of the hearts, ang mommy niya raw ang mas kausap niya.

May isang requirement si Richard sa manliligaw ng anak, sana raw humanap naman ito ng matangkad-tangkad, huwag naman daw yung kasing-laki lang ng paso.

Diretsahan din tinanong si Goma kung sakali raw at ligawan for real ni Andres Muhlach si Juliana, ano ang magiging reaction niya. Sey ni Richard, “Okay lang, mukha namang mabait si Andres.”

Magiging mag-balae sila ni Aga Muhlach?

Natawang, “okay lang” pa rin ang sagot nito.

***

Mark Herras walang direksiyon buhay

Si ‘Nay Lolit Solis ang manager ni Mark Herras mula pa StarStruck days and co-managed with GMA Artist Center. Kung ugali rin lang, kahit kami ay makakapagpatunay na isa sa well-loved at totoong mabait, supportive sa mga baguhan at kahit kasabayan niya si Mark.

Pero kung may problema rito, tama ang pinost ni Nay Lolit na ang kulang talaga kay Mark, focused at determinasyon. Pwedeng meron naman, pero ano nga ba, nawawala rin eventually?

Marami na rin opportunity na binigay ang Kapuso network kay Mark, pero hindi maikakaila na marami na rin mas baguhan pa sa kanya ang nakaungos kay Mark in-terms of career at maging sa pagiging actor. At ngayong magiging tatay na si Mark sa girlfriend na si Nicole Donesa, sana nga seryosohin na ni Mark ang wish o pangaral sa kanya ng kanyang nanay-nanayan rin sa showbiz.

Sana raw maging mala-Paolo Contis din ito.

Ayon kay Nay Lolit, “Wish ko talaga na sana tulad ni Paolo Contis na mukhang naging tahimik at may direction ang buhay mula ng maging sila ni LJ , ganuon din ang mangyari kay Mark Herras. Magiging tatay na siya dahil malapit ng manganak si Nicole. At sana nga iyon dati ay passive approach niya sa buhay at kanyang career ay maiba. Sana magkaruon na siya ng competitive spirit, maging focus narin at magkaruon pa ng fire ang kanyang acting. Hindi iyon growing older refusing to grow up attitude na meron siya dati. Hindi kasi dapat na lahat obligasyon dadalhin mo, ok tumulong pero duon lang sa kaya mo, huwag iyon pipilitin mo kayanin lahat. Ngayon na ikaw mismo meron ng pamilya, dapat ito muna ang unahin mo. Hindi pa naman huli, alaga naman mabuti ng Artists Center si Mark, kaya sana this time, mag shine ng mabuti ang kanyang star. Hindi man matinee idol, isang character actor na kikilalanin dahil sa professional siya at may drive sa buhay. Wake up Mark, and grow up.”

***

Julie Anne puno ng hugot

Naglabas ng bagong single ang The Clash Master host ng The Clash na si Julie Anne San Jose. Love song na may pagka-acoustis-ish at soulful daw ang vibe ng song na parang R&B.

Ayon kay Julie Anne, sigurado raw na makaka-relate sa kanta, lalo na ang mga brokenhearted na gustong magsimula muli.

Hmmm…. kung tama yung nakarating sa amin tungkol sa lovelife ng Asia’s Pop Diva, ‘di kaya si Julie ang mas una nang naka-relate sa bago niyang kanta? Huh!

Sey niya, “Ang message ng song is lahat naman tayo dumadaan sa hardships. Lahat naman tayo ay may heartaches na napagdadaanan. But if you open your heart again, you can try to love again and be open to possibilities kasi ang pagmamahal andiyan lang naman sa paligid natin. So minsan kahit di natin hinahanap, kusa na lang siyang dumarating sa ‘yo.”

The post Juliana, Andres Muhlach aprub kay Goma first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *