Julia todo paseksi sa Batangas

Kumbinsido ang netizen na hindi buntis si Julia Barretto, matapos itong itsismis ni Jay Sonza. Ipinagwagwagan ni Julia ang impis niyang tiyan sa long shot ng larawan niya na kuha sa San Benito Farm sa Batangas.

The post Julia todo paseksi sa Batangas first appeared on Abante.

julia todo paseksi sa batangas - Julia todo paseksi sa Batangas
julia Barretto - Julia todo paseksi sa Batangas

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Julia todo paseksi sa BatangasKumbinsido ang netizen na hindi buntis si Julia Barretto, matapos itong itsismis ni Jay Sonza. Ipinagwagwagan ni Julia ang impis niyang tiyan sa long shot ng larawan niya na kuha sa San Benito Farm sa Batangas.

Makikita sa photo ang kaseksihan ng dalaga sa suot nitong one piece bathing suit na hapit na hapit sa kanyang katawan. Dahil off-white ang kulay ng bathing suit malinaw sa sikat ng araw na walang nakaumbok sa tiyan ng aktres.

Pero siyempre, dahil nga kontrobersyal at may ilang mga basher si Julia, pinupukol pa rin ito ng pamumuna. Sinasabi sa mga comment na photoshopped ang larawan dahil parang tinanggal daw ang sinandalan nito. Duda rin ang iba at sinasabing throwback ang photo.

Nagtanggol ang mga kapanalig ni Julia at binanatan ang mga basher.

***

Long Mejia gwapong-gwapo sa sarili

Kung kailan may coronavirus ay saka naman nabuksan ang career sa pag-awit ng komedyanteng si Long Mejia. Hindi kapaniwa-paniwala, pero may lalabas na single si Long na prinodyus ng VJ Records, na ang titulo ay GGSS (Gwapong-Gwapo Sa Sarili) na sinulat at kinompows ni Junie Tobillo.

Sumulpot ang record deal kay Long ni Junie nitong GCQ. Simple lang ang sagot ni Junie sa rason kung bakit sa lahat ng mga komedyante si Long pa ang napili niya. Bagay raw sa itsura at ang novelty flavor ng kanta kay Long.

Bukod kina Kim Chiu at Vice Ganda na nag-release ng novelty song ngayong krisis, humabol pa si Long Mejia. May intensyon ba si Long na pataubin sina Kim at Vice?

Sa Oct. 18 ang official release ng kanta sa lahat ng digital platform.

***

Nanay ni Angeline patuloy na lumalaban sa sakit

Puro throwback na lang muna ang pinuposteng mga photo, video ni Angeline Quinto sa kanilang dalawa ng kanyang ina na si Mama Bob.

Gaya na lamang ng latest posting nito sa Instagram na bumibirit ng kanta sa karaoke sa loob ng kanilang bahay habang nasa background ang nanay niya na nakaupo sa sofa.

Sa caption sinabi ni Angeline na hindi pa rin nakakaraos sa kanyang sakit ang ina at patuloy itong lumalaban. Hindi na nagtanong pa ang mga follower ni Angeline sa sakit ng ina. Nirerespeto ng mga ito ang pagiging pribado ng aktres sa karamdaman ng kanyang Mama Bob.

***

Erika Rae malaki ang puso

Ang bongga talaga ng panganay ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak, dahil sa likod ng kanyang sexy image at walang habas na paghuhubad sa social media, meron itong matulunging puso.

Nakapagpatayo na ito kasama ang anim pang mga kaibigan ng isang multi-purpose hall sa Bulacan. Nakaposte sa Instagram ng dalaga ang under construction pa rin na hall, pero may bubong at dingding na.

Nagtayo ng isang foundation ang grupo ni Erika ang @futurefacesmnl, na ang layunin ay gumawa ng mga humanitarian project gaya nito.

Ayon sa dalaga, tatlong taon ang binuno nila maitayo lang ang center, na sumakto sa pagtatapos nila ng high school.

Nakipag-partnership na sila sa ilang mga company na maglalagay ng facilities at amenities sa nasabing center.

Mga livelihood at feeding programs ang gagawin sa center na ito.

Hindi man kasingsikat ng mga gaya niyang millennial si Erika Rae, namumukod tangi naman ang kabayanihan nito at ang kanyang mga kaibigan.

***

Aktor nakakalbo na

Pinatanda na rin ng panahon ang isang action star na nakaligtaang itago sa pagkakaanggulo ang kanyang itsura sa ipinadala nitong video greet sa kaibigan.

Sumilip ang nakakalbo na ring ulo ng action star sa selfie birthday video greet nito na naposte sa Instagram ng kaibigan. Napalingon si action star sa gilid kaya sandaling nalantad ang manipis na niyang buhok.

Sa mga pelikula at serye, lumalabas na makapal pa rin ang buhok ng aktor, pero dahil nga sa video greet tila may ginagamit itong artificial hair enhancement sa bawat project niya.

Guwapo pa rin naman ang aktor at walang anumang wrinkles sa kanyang mukha, kaya malasa pa rin ang tingin sa kanya ng mga babae.

Naging matunog ang pangalan niya noong kanyang kabataan bilang isa sa mga male star na nagtataglay ng malaking sandata.

The post Julia todo paseksi sa Batangas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *