Julia sa Twitter binabanatan ng mga fan

Kahit hindi makapag-comment ang mga fan sa Instagram wall ni Julia Barretto dahil nga ‘limited’ ang mga komento, ayaw pa rin nilang paawat at nakakagawa pa rin sila ng paraan.

julia sa twitter binabanatan ng mga fan - Julia sa Twitter binabanatan ng mga fan
ABANTE Julia2 1 - Julia sa Twitter binabanatan ng mga fan

Bawal kasi sa IG:

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Julia sa Twitter binabanatan ng mga fanKahit hindi makapag-comment ang mga fan sa Instagram wall ni Julia Barretto dahil nga ‘limited’ ang mga komento, ayaw pa rin nilang paawat at nakakagawa pa rin sila ng paraan.

Patuloy ang panggugulo ng mga fan, at sa Twitter naman sila rumaratsada sa pag-atake kay Julia. Ayaw nilang patahimikin si Julia sa mga nakakaloka nilang mensahe sa Twitter.

Anyway, pagdating ni Julia mula America ay agad siyang naki-pag-bonding sa inang si Marjorie Barretto, mga kapatid na sina Dani (kasama ang mister na si Xavi), Claudia (with boyfriend) at Leon.

Gaya ni Julia, ikinandado na rin ni Marjorie ang comment section ng kanyang IG para hindi na mapasukan ang kanyang wall ng mga pambabastos, pambabatikos sa kanya at sa buong pamilya.

Speaking of Julia, Bea at Gerald issue, nagpahaging si Dawn Chang sa mga sumasawsaw sa isyung ito. Pinuna ng GirlTrend member ang pakikisali ng iba sa controversial issue na ito.

“Ang daming nakikisawsaw, gusto nyo ba sumikat o maging relevant? Magtrabaho kayo ng maayos hindi puro awra,” sabi niya.

‘Nota’ ni Kit lumabas sa lampungan kay Mylene

Puwede na sanang mabosohan at magpiyesta ang mga mata ng mga bakla kay Kit Thompson, pero hinarang na agad ni Atty. Jojie Alonso ang dapat sana’y magiging kaligayahan ng mga beki.

Si Kit ang lead actor sa “Belle Douleur” na pinagbibidahan ni Mylene Dizon. Directorial debut ito ni Atty. Jojie.

Ayon sa kuwento ni Direk/Atty. Jojie, habang kinukunan ang love scene nila ni Mylene, may isang eksena na lumabas ang private part ni Kit.

Pero hindi na ito maipapalabas sa sinehan dahil binaklas na ito ni Atty. Jojie. Gusto ni Direk Joji na protektahan si Kit.

At hindi rin naman daw kailangan sa eksena na makita ang kaselanan ng aktor kaya siya na mismo ang nagtanggal nito.

Palaban talaga sa hubaran si Kit, pero hindi ito kinagat ni Direk Jojie.
Gustong tanggalin ni Kit ang plaster sa kanyang junior, sa eksena nila ni Mylene, pero hindi pumayag si Atty. Jojie.

Sa paniniwala ni Direk, hindi pa kailangang mag-frontal ni Kit. Gusto ni Direk na gawin ni Kit ang magpasilip ng kanyang kaselanan kapag aprubado at nagandahan siya sa material.

Pokwang panlaban ni Bossing kina Ai Ai, Dimples

Kung si Vice Ganda ay may Anne Curtis, Dimples Romana at sanrekwang stand-up comedian sa MMFF 2019 movie entry niya, at si Coco Martin naman ay merong Ai Ai delas Alas at Jennylyn Mercado, may Pokwang naman si Vic Sotto sa muli niyang paglahok sa MMFF.

Kanya-kanyang import ang mga nabanggit na big star para lang magkaroon ng dagdag na co-mic-relief ang kani-kanilang mga movie project.

Naka-post sa Instagram ni Pokwang ang cast na bubuo sa film entry ni Vic sa MMFF. Sey pa ni Pokwang, matapos ang walong taon, ngayon lang sila ulit magkakasama ni Vic sa pelikula.

Nagpasalamat si Pokwang sa tiwala at oportunidad na ibinigay sa kanya ni Vic.

Bukod kay Pokwang ay in-import din ni Bossing mula sa kuwadra ng Kapamilya network si Jake Cuenca. Kasama rin sa project si Marian Rivera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *