Julia napag-iwanan ni Kathryn, magbabalik showbiz na

Very visible na ulit ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa social media. Mahigit isang taon ding hindi nagparamdam si Julia sa kanyang mga fan at follower. Huling napanood ang aktres ay sa teleserye na “Asintado” noong 2018.

julia napag iwanan ni kathryn magbabalik showbiz na - Julia napag-iwanan ni Kathryn, magbabalik showbiz na
juliaxkathryn - Julia napag-iwanan ni Kathryn, magbabalik showbiz na

Very visible na ulit ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa social media. Mahigit isang taon ding hindi nagparamdam si Julia sa kanyang mga fan at follower. Huling napanood ang aktres ay sa teleserye na “Asintado” noong 2018.

Sa latest posts ni Julia, ramdam ng netizens na parang nangangamoy ang pag-comeback nito sa showbiz.

“Pamper time? Need a boost for your hair?” caption pa ni Julia.

Marami kasing nanghinayang kay Julia dahil bigla na lang itong nawala sa sirkulasyon. Tuloy, naungusan na siya ng kasabayan niyang si Kathryn Bernardo, na hindi lang award-winning actress, isang certified box-office star na.

Sabay na sumikat sina Julia at Kathryn dahil sa teleserye na “Mara Clara”.

Umaasa ang maraming fans ni Julia na magbabalik ito at puwede pa naman daw itong humabol sa popularity ngayon ni Kathryn.

May hiling pa ang fans na muling pagsamahin sina Kathryn at Julia sa pelikula o teleserye. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *