Julia naduwag, atras sa giyera kay Kim

“Bakit kailangang palitan?”

The post Julia naduwag, atras sa giyera kay Kim first appeared on Abante.

julia naduwag atras sa giyera kay kim - Julia naduwag, atras sa giyera kay Kim
Julia at Kim - Julia naduwag, atras sa giyera kay Kim

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Julia naduwag, atras sa giyera kay Kim“Bakit kailangang palitan?”

“Alam na this, pinagsabihan!”

“Wala ka pala girl. Nasaan ang tapang mo?”

“Yan ba ang unbothered? Haha!”

Ilan lang ang mga ito sa comment ng netizens sa Instagram ng ngayon ay Viva artist na si Julia Barretto.

Kung matatandaan, ang unang caption niya ay “Out here minding my own business.” Mabilis na ipinagpalagay ito ng halos lahat na sagot ni Julia sa pagkakabanggit ni Kim Chiu sa kanya sa It’s Showtime.

At ngayong binago ni Julia, ang tanong talaga, “Bakit binago?” May ilang nag-comment din na baka raw nagkausap na sina Kim at Julia. Meron din naman na nagsabing nagi-enjoy raw yata ang actress na kontrobersiyal ito. Pero puwede rin daw na umatras ito sa posibleng giyera kay Kim, dahil alam niyang mabubuhay uli ang isyu, at mas dadami ang magagalit sa kanya.

Ano nga ba at bigla itong ginawang 2 hearts emoji?

***

Chynna ‘di pinatulog ng bagyo

Doble ang nararamdamang takot ngayon ng mga Filipino at ng mga celebrity.

Nandiyan pa rin ang kinatatakutang COVID-19 at ngayon ay ang tinatayang pinakamalakas na bagyo ever recorded.

Si Chynna Ortaleza ay aminadong COVID-19 pa lang, nagkakaroon na siya ng anxiety. Hindi rin nito ikinaila na hindi siya makatulog dahil sa threat ng bagyong Rolly.

Sa unang tweet ni Chynna,sinabi niyang natatakot siya sa nangyayari na may pandemya at heto ang bagyong Rolly. Sa sumunod na tweet niya, sinabi niyang ‘di siya nakatulog.

“Lord God. Please protect the people of Catanduanes & the rest of Luzon. I can’t sleep.”

Ang ibang mga artista naman ay humiling ng dasal para hindi na makapinsala nang husto si Rolly.

***

Ryza naiyak nang makita ang anak

October 31 ng madaling araw na naipanganak ni Ryza Cenon ang baby boy niya na si Night.

Aminado ang actress na sobra siyang nahirapan sa pagli-labor. Umabot siya ng 13 oras bago nailuwal si Baby Night.

Pero ang maganda kay Ryza, nakaya pa rin niyang maipanganak ang baby niya sa pamamagitan ng normal delivery.

49 cm ang height ni Baby Night. At kamay pa lang ni baby ang ipinapakita ni Ryza sa kanyang Instagram account. Sa caption niya, “Napakahirap pero lahat worth it! Welcome baby Night!!!”

Nang makausap namin si Ryza, sobrang hirap daw talaga at hindi pa rin daw siya nakakapahinga pa talaga, lalo na at gising sa gabi ang baby nila. Pero sey niya rin, nawala raw ang hirap niya at naiyak sa unang pagkakita sa kanyang anak.

The post Julia naduwag, atras sa giyera kay Kim first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *