Julia Montes rumampa sa supermarket, magbabalik showbiz na

Pagod na ba si Julia Montes na magpahinga? O magtago kaya sa mga fan niya?

julia montes rumampa sa supermarket magbabalik showbiz na - Julia Montes rumampa sa supermarket, magbabalik showbiz na
julia montes 1 - Julia Montes rumampa sa supermarket, magbabalik showbiz na

Aprub na kay Coco?

Dondon Sermino Paistaran 32 336x224 - Julia Montes rumampa sa supermarket, magbabalik showbiz naPagod na ba si Julia Montes na magpahinga? O magtago kaya sa mga fan niya?

Well, comeback is real, sabi nga ng mga millennial. Heto nga, nagparamdam na si Julia Montes, hindi lang sa social media, kundi pati na sa publiko.

Spotted nga si Julia na naggu-grocery sa isang supermarket sa Greenhills, San Juan, ayon sa report ng mga faney na nakakita sa kanya.

Oh, ‘di ba? Pinili ni Julia na supermarket ang una niyang exposure, na kung saan ay sure naman siya na maraming tao roon.

Aba, mula nu’ng mag-hibernate si Julia, hindi na nga siya nakita ng mga fan, at kahit sa mga gathering ng mga kapwa niya artista, hindi rin siya nagpakita.

Sa Instagram naman, pana-panahon lang kung magparamdam siya. Like kung may namatay na taga-showbiz, o birthday kaya, o may bonggang selebrasyon.

So, ang bongga lang na sa lugar na maraming nanay niya mas napiling lumantad.

Makikita nga sa Twitter ang mga photo ni Julia na kasama ang iba’t ibang fan, empleyado ng naturang supermarket. At sa itsura ni Julia, super fresh nga ito, na parang sinasabi niya na, ‘Hello, I’m ready for my close up, Direk!’ Ay, linya yata ni Ate Vi, aka Cong. Vilma Santos-Recto ‘yan, ha!

At ‘yun nga, ramdam ang pagkasabik kay Julia ng mga fan, netizen, sa kanya. Agad-agad na nag-number one trending sa Twitter ang kanyang presensiya.

Heto nga ang reaksyon ng mga fan:

@eceeellee, “Movie with @bernardokath please welcome back bbygrr.”

@LadyStarlene, “Nagpaparamdam na, babalik showbiz nato. Pwede na rin 1yr old na yata anak nya.”

@MaxieMax13, “No make up, no problem si Julia Montes. Ang pretty kahit walang make up, fresh na fresh.”

@AmakLee, “Julia Montes is really beautiful from inside in outside. This is my favorate artista.”

@ItsmeLicerlynn, “Shettt!!! Ang ganda at fresh parin see you soon bebe Jul.”

@micah_teston, “A comeback movie for Julia Montes with Kathryn please ! #JuliaMontes is back.”

@kayenoreen1, “Julia Montes is the young Angelina Jolie of the Philippines. #JuliaMontes #AngelinaJolie.”

@ParkMinJi_05, “My Queen is Back. JULIA MONTES IS BACK.”

@jeanyanila, “Julia montes is in the house!! can’t wait for your comeback on screen #JuliaMontes.”

@doodaypillas, “Ang ganda ni Julia. Wait, one year na ba ang baby nila ni Coco Martin? Hahahaha! May baby na ba talaga sila? Just asking!”

‘Gabi ng Lagim VII’ sa ‘KMJS’:

Manika sinapian ng mapaghiganting espiritu

Tradisyon na tuwing Undas hindi lang ang paggunita sa mga namayapa pero maging ang panonood ng mga kuwento ng katatakutan. At sa nakalipas na mga taon, isang Halloween special ang naghahatid ng kilabot sa bagong henerasyon—ang “Gabi ng Lagim” series ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Sa ikapitong taon, muling tunghayan ang salaysay ng mga nakaranas ng kababalaghan, suportado ng mga litrato at video na mala-pelikulang isinadula ng mga direktor. Sa edisyong ito, tampok muli ang apat na kuwentong susubok sa ating tapang at paniniwala.

Taong 1929 pa itinayo ang gusali ngayon ng Carcar City Museum sa Cebu na dating dispensary o pagamutan. Noong panahon ng digmaan, may mga tinorture raw dito na hinagis sa swimming pool hanggang sa mamatay!

Ang kaluluwa ng mga ito, ngayo’y nagmumulto. Sa shoot ng “KMJS” Team, na-record ang makapanindig-balahibong boses ng isang babaeng paulit-ulit na umaawit. Sino siya? Sa “Museo” ng batikang GMA Public Affairs director na si Rember Gelera, patutunayang hindi kayang burahin ng kasaysayan ang madugo nitong nakaraan.

Sa isla naman ng Catanduanes kumalat ang kuwento noong dekada otsenta tungkol sa nanghaharang at nanghahabol na mga ataul! Bakit kaya sa tuwing nagpapakita ang mga lumulutang na kabaong, may sunod na nangyayaring sakuna?

Humanda nang liparin sa kaba sa “Flying Ataul” sa direksyon ng award-winning director na si Adolf Alix Jr.

Mahilig bang mag-selfie ang inyong mga anak? Nang nag-selfie si Zander, na-video-han nito ang kanyang Lola Olympia kahit isang taon na itong patay!

Sa “Sundo” ng Cinemalaya Best Director na si Joseph Israel Laban, ipapakita na ang pagmamahal ng yumao ay hanggang sa kabilang buhay!

Meron ka bang kinokolekta? Ang koleksyon ng mga manika, pigurin at maskara sa isang bahay sa Quezon City, may sapi raw ng mga mapaghiganting espiritu! Ang nakatira rito maging ang mga bisita, ginagambala!

Sa “Koleksyon” ng New York Asian Film Festival Director na si Kenneth Lim Dagatan, mapapaisip ang manunuod sa mga bagay na ipapasok sa iyong bahay.

Tawagin na ang buong pamilya at barkada dahil hindi niyo ito kakayaning mag-isa! Huwag palampasin ang “Gabi ng Lagim VII: Kapuso Mo, Jessica Soho Halloween Special” ngayong Linggo 8:40pm sa GMA-7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *