Julia Montes nalungkot sa pagtatapos ng ‘Bulilit’

Naging emosyonal sa kanyang Instagram post si Julia Montes dahil sa nalalapit na pagtatapos na ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” pagkatapos ng 14 years sa ABS-CBN 2.

The post Julia Montes nalungkot sa pagtatapos ng ‘Bulilit’ appeared first on Abante News Online.

julia montes nalungkot sa pagtatapos ng bulilit - Julia Montes nalungkot sa pagtatapos ng ‘Bulilit’
ABANTE Julia2 - Julia Montes nalungkot sa pagtatapos ng ‘Bulilit’
 
 
Naging emosyonal sa kanyang Instagram post si Julia Montes dahil sa nalalapit na pagtatapos na ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” pagkatapos ng 14 years sa ABS-CBN 2.
 
Eere ang final episode ng “Goin’ Bulilit” on August 4.
Hindi napigilan ni Julia na malungkot dahil sa naturang show siya nagsimula noong child actress pa lang siya.
Umere ang pilot episode ng “Goin’ Bulilit” noong February 6, 2005.
Heto ang post ni Julia:
 
“#KwentongBulilit samahang ndi mo makakalimutan… Dito ako nagsimulang mangarap, nabigyan ng pamilya at mabigyan ng pagkakataon…. Utang ko sa show na ito ang lahat lalong lalo na sa Mortiz fami­ly… Ang unang pamilyang tumanggap kay ‘Mara’ on and off cam.. Ang batang wala namang bibo skills at mahiyain pero tinayaan ng aming Tatay na si Direk Bobot … Maraming memories sa show na to na hindi mapapantayan… Maraming nabuong pangarap, maraming lesson na ndi malilimutan… Wag po natin kalimutan manuod ng 2 huling linggo…
@GoinBulilitOfficial.”
Bukod kay Julia, produkto rin ng “Goin’ Bulilit” sina Kathryn Bernardo, Kiray Celis, Sharlene San Pedro, Nash Aguas, Jane Oineza, Miles Ocampo, Ella Cruz, John Manalo, Eliza Pineda, Mika dela Cruz, Eunice Lagusad, Igi Boy Flores, Alfred Labatos, Kristel Fulgar at si Dagul. (Ruel Mendoza)
 

The post Julia Montes nalungkot sa pagtatapos ng ‘Bulilit’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *