Julia Montes nag-flying kiss kay Coco

Dahil sa birthday ni Coco Martin ay mas lalong tumibay ang paniniwala ng mga fan na may ugnayan pa rin ang aktor kay Julia Montes. Naglagay ng flying kiss emoticon si Julia sa mensahe nito sa pinost niyang portrait ni Coco sa kanyang Instagram.

julia montes nag flying kiss kay coco - Julia Montes nag-flying kiss kay Coco
coco 2 1 - Julia Montes nag-flying kiss kay Coco

Dahil sa birthday ni Coco Martin ay mas lalong tumibay ang paniniwala ng mga fan na may ugnayan pa rin ang aktor kay Julia Montes. Naglagay ng flying kiss emoticon si Julia sa mensahe nito sa pinost niyang portrait ni Coco sa kanyang Instagram.

Sa birthday ni Coco ay hindi nga natiis ni Julia na hindi ito batiin. At ‘yun na nga, mas nalaman ng mga fan na malapit na malapit pa rin sa isa’t isa ang dalawa.

Lalo tuloy nabuhay ang tsismis kung may anak ba talaga sila. Nang magbakasyon nang matagal si Julia sa abroad pagkatapos ng pinakahuling serye niya sa Kapamilya, umalingasaw ang tsismis na nagdadalantao ang aktres.

At nang makabalik ng Pilipinas, naging inactive na si Julia sa social media, at panaka-naka na lang ang pagpaparamdam niya gaya na lamang ng pagbati ng happy birthday kay Coco.

Wala pang makapagsabi kung kailan babalik sa telebisyon si Julia. At wala ring makasagot kung totoo ba talagang may anak na sina Coco at Julia. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *