Julia Montes haharapin na sina Coco, Yassi?

Sinorpresa ni Julia Montes ang social media sa kanyang pagbibigay-pugay sa 65th a­nniversary plug ng ABS-CBN 2.

The post Julia Montes haharapin na sina Coco, Yassi? appeared first on Abante News Online.

julia montes haharapin na sina coco yassi - Julia Montes haharapin na sina Coco, Yassi?
julia 5 - Julia Montes haharapin na sina Coco, Yassi?

Nagparamdam sa 65th anniv ng Dos:

Sinorpresa ni Julia Montes ang social media sa kanyang pagbibigay-pugay sa 65th a­nniversary plug ng ABS-CBN 2.

Matapos ang matagal-tagal ding pamamahinga ni Julia sa Instagram, muli siyang nagpakita sa pamamagitan ng kanyang message of appreciation and pa-thank you sa pagbabagong nagawa sa kanyang buhay ng istasyon.

Nag-post si Julia ng larawan nilang dalawa ni Kathryn Bernardo para sa unang malaking seryeng pinagbidahan nila, ang remake ng “Mara Clara”. Sa mensahe ay pinasalamatan ni Julia ang istasyon sa pagbuo sa kanyang mga pangarap.

March pa ang huling IG post ni Julia, at yun ay nang mamatay ang komedyanteng si Chokoleit. Pinost niya ang text message sa kanya ng komed-yante, na pumupuri sa kanyang kagandahan at nagmamalasakit sa kanyang kapakanan.

Mula nang magkasunud-sunod ang balita sa panganganak ng aktres at ang naituturong ama ay si Coco Martin, biglang nanahimik sa social media si Julia. Nang sumulpot ang bali-balita tungkol sa pagkakamabutihan umano nina Coco at ng leading lady niya sa “Ang Probinsyano” na si Yassi Pressman, hindi nag-react ang aktres.

Umabot na agad sa mahigit sa isang libo ang comment sa posting na ito ni Julia, na pawang ang sinasabi ay nami-miss nila ang kanilang idolo. May mga nagtatanong sa isyu ng kanyang pagbubuntis, panganganak, pero walang sinagot isa man si Julia sa mga ito.

Nagpasalamat lang siya sa ilang mga kaibigan na nagpahayag ng kasiyahan nilang makitang bumalik ito sa social media. Walang indikasyon o paramdam si Julia sa post niya kung kailan ito babalik sa showbiz.

“Maraming Salamat po sa istasyong patuloy na tapat nagseserbisyo at nagpapasya sa ating mga Kapamilya saan ma’ng sulok ng mundo… Salamat din po na sa 65 years ay isa po ako sa binuo nyo ang mga pangarap… Maraming salamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay ninyo sa akin para mapakita ang konting pong kakayahan kong binigay ng Diyos… Salamat pong muli KAPAMILYA,” sabi ni Julia.

So, nalalapit na rin kaya ang pagbabalik ni Julia? At handa nab a siyang harapain sina Coco at Yassi? Nagtatanong lang, ha! (Rey Pumaloy)

The post Julia Montes haharapin na sina Coco, Yassi? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *