Julia, Marjorie magkatuwang sa pagsugod kay Claudine?

Mistulang national issue ang away na naganap o nagaganap pa rin hanggang ngayon, sa pagitan ng mga Barretto sisters, na nangyari sa mismong burol ng ama na si Miguel Barretto.

julia marjorie magkatuwang sa pagsugod kay claudine - Julia, Marjorie magkatuwang sa pagsugod kay Claudine?
julia x marjorie - Julia, Marjorie magkatuwang sa pagsugod kay Claudine?

Mistulang national issue ang away na naganap o nagaganap pa rin hanggang ngayon, sa pagitan ng mga Barretto sisters, na nangyari sa mismong burol ng ama na si Miguel Barretto.

Heto nga ang na-confine na si Claudine sa ospital. Matapos ang diumano ay eksenadorang salpukan nilang magkapatid, na nagtamo nga raw ng mga sugat si Claudine sa kanyang kamay at nakaramdam ng malalang pagkahilo, kaya agad itong dinala sa ospital. Yan nga ang kuwento ni Ruby Baguhin na siyang nagdala sa aktres sa ospital.

Ayon pa kay Ruby, si Marjorie raw ang sumugod kay Claudine. At sabi pa ni Ruby, sangkot din daw sa kumprontasyon na ‘yun ang young actress na si Julia Barretto, anak ni Marjorie.

Labis na nalungkot ang mga fan sa mga kuwentong ito. Na imbes na magkaayos silang magkakapatid sa gitna ng pighati dahil pumanaw ang kanilang ama ay mistulang mas nag-init pa ang tensyon sa pagitan nilang magkakapatid.

Anyway, bukas ang pahina ng Abante para sa kanilang mga panig. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *