Julia maganda, pero ‘sabaw’ sa math

Kalat na kalat sa social media ang sabaw moment ni Julia Barretto sa vlog ni Marco Gumabao.

The post Julia maganda, pero ‘sabaw’ sa math first appeared on Abante.

julia maganda pero sabaw sa math - Julia maganda, pero ‘sabaw’ sa math
abante julia baretto - Julia maganda, pero ‘sabaw’ sa math

Kalat na kalat sa social media ang sabaw moment ni Julia Barretto sa vlog ni Marco Gumabao.

Eh kasi naman, ang simple-simple nga naman, nagkamali pa.

Sa mukbang episode kasi ni Marco na guest nga si Julia, muli ay nag-inuman na naman sila. At ginusto nga nila na may mga kasama silang mga tagahana.

“Two from my fans, two from yours, so apat tayong mag-iinuman,” sabi ni Julia kay Marco.

Na ikinaloka nga ni Marco, na paano nangyari, na tag-dalawa silang fans, then, dalawa rin sila. Lumalabas na apat ang fans, at plus dalawa sila, kaya anim dapat silang mag-iinuman.

“Simple math, Julia!” tawang-tawa na tukso ni Marco kay Julia.

“Oh, my God! Buti na lang maganda ako!” reaksiyon ni Julia, na idinaan nga sa halakhak ang pagkakamali.

Anyway, hirit naman ng mga fan, bakit pag maganda, ‘sabaw’ ang tawag, samantalang pag pangit daw, ‘bobo’ agad ang sigaw ng mga netizen.

Dapat daw tawagin ding ‘bobo’ si Julia, ha! (Dondon Sermino)

The post Julia maganda, pero ‘sabaw’ sa math first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *