Julia lumantad dahil kay Eddie

Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung nasa Pilipinas na ba si Julia Montes.

The post Julia lumantad dahil kay Eddie appeared first on Abante News Online.

julia lumantad dahil kay eddie - Julia lumantad dahil kay Eddie
julia 6 - Julia lumantad dahil kay Eddie

Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung nasa Pilipinas na ba si Julia Montes.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring lumalabas na pruweba kung nasaan na ba talaga siya, dahil kahit ang mga kaibigan niya ay hindi pa rin siya nakikita.

May mga nagtatanong nga sa Instagram niya na mga taong malalapit na sa kanya kung nasa Pilipinas na siya, pero tikom lang ang bibig niya.

Hindi lang ako sure, dahil malay naman natin kung sa private message sa Instagram niya idinadaan ang sagot, di ba?

Anyway, huling nagparamdam si Julia nung anibersaryo ng ABS-CBN, na nag-post nga siya sa Instagram ng photo ng logo ng Dos na nakalagay ang ‘65 years’. Nagpasala-mat siya sa kung paano nabago ang buhay niya dahil sa Kapamilya network.

At heto nga, mu-ling lumantad sa Instagram si Julia, dahil kay Eddie Garcia. Ipinost niya ang photo nilang dalawa ni Eddie, na nilagyan niya ng caption na…

“This day naalala ko yung hiya ko magpa-picture sa inyo… Pero looking back sa photo na to d­aming memories… Mga advices and jokes mo Tito Eddie ‘di ko po makakalimutan… We will miss you! Thank you for being an inspiration to all of us.”
Well… (Dondon Sermino)

The post Julia lumantad dahil kay Eddie appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *