Julia, Joshua nangangamoy gamitan

Kahit nabahiran ng negatibong eksena noong nakaraang taon, tila malakas pa rin ang spark at chemistry ng dating magdyowa at love team na JoshLia dahil sa recent interaction nila sa isa’t isa.

julia joshua nangangamoy gamitan - Julia, Joshua nangangamoy gamitan
abante joshlia - Julia, Joshua nangangamoy gamitan

Kahit nabahiran ng negatibong eksena noong nakaraang taon, tila malakas pa rin ang spark at chemistry ng dating magdyowa at love team na JoshLia dahil sa recent interaction nila sa isa’t isa.

Nagsimula ang pamumuo ng something cheesy sa dalawa nang mag-tweet si Joshua Garcia tungkol sa pag-follow back sa kanya ng dating girlfriend na si Julia Barretto.

Agad ding nagre-quote tweet si Julia at sinabing “Sa IG follow back na din?”

So dahil diyan, mukhang unti-unting bumabalik ang connection ng dalawa kahit naging mapait ang hiwalayan nila.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga fan sa interaksyon ng dalawa. Mayroong tuwang-tuwa at naka-full support pa rin sa posibleng pagbabalikan nila at umaasa pang mababalik ang dating pagsasama nila. Mayroon ding ayaw nang magbalikan ulit sina Joshua at Julia dahil baka masaktan lang daw ulit ang isa.

“Marupok si Josh? Wag na please! You deserve better” sigaw pa ng karamihan kay Joshua.

Matatandaang noong 2019, ay naging maingay ang hiwalayan nila dahil sa umano’y third party.

Anyway, ang pelikulang Love Unlock ang rason kung bakit nabuhay ang koneksiyon ng dalawa. Kaya may mga nagsasabi na gamitan part 2 lang ang mangyayari sa JoshLia. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *