Julia jackpot sa katas ni Gerald

Bumida nang husto si Gerald Anderson sa Instagram, lalo na sa mga kasamahan niya sa entertainment media, nang ipasilip niya ang kanyang private resort sa tabing dagat.

The post Julia jackpot sa katas ni Gerald first appeared on Abante.

julia jackpot sa katas ni gerald - Julia jackpot sa katas ni Gerald
Gerald - Julia jackpot sa katas ni Gerald

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Julia jackpot sa katas ni GeraldBumida nang husto si Gerald Anderson sa Instagram, lalo na sa mga kasamahan niya sa entertainment media, nang ipasilip niya ang kanyang private resort sa tabing dagat.

Sa kauna-unahang pagkakataon binuksan ni Gerald sa Instagram ang kabuuan ng kanyang resort na ayon sa kanya ay malapit nang matapos.

Kahanga-hanga ang ganda ng resort ng aktor na may malaking swimming pool sa harap ng dagat. May ilang triangle shape rooms sa gilid ng pool.

May function hall, work out gym, shower rooms at iba pa. Makakaramdam ng inggit ang sinumang makakasilip ng video na nagpapakita ng kabuuan sa resort ng aktor.

Kaliga na ni Gerald na may resort sina Derek Ramsay, Judy Ann & Ryan Agoncillo, Enrique Gil.

Suwerte ang sinumang karelasyon ni Gerald dahil mai-experience niya ang katas ng pinaghirapan sa showbiz ng aktor. Aba, kung si Julia Barretto nga ang sinasabing dyowa ni Gerald, jackpot ang dalaga, ha!

***

Angeline, Jayson nagtinda ng manok, lomi

Dahil sa kawalan ng trabaho ay rumaket na ang ibang mga celebrity para may pagkakitaan.

Ngayon nga ay nagbebenta na ng chicken wings si Angeline Quinto na pinangalanan niyang AQ Wings of Love. Nakaposte sa Instagram ng singer ang mga larawan ng pagluluto niya ng chicken wings.

Lomi Batangas naman ang ibinebenta ni Jayson Gainza sa kanyang mga follower. Sa halagang 150 pesos ay good for 2 na ang paninda ni Jayson.

Asahang sa mga susunod pang buwan ay dadami pa ang mga celebrity na lulusong na sa pagbebenta.

***

Rica balik Pilipinas na

Unti-unti nang bumabalik sa Pilipinas ang ilang mga celebrity na may ilang buwan ding natengga sa abroad. Walang pagsidlan ang kasiyahan sa puso ni Rica Paralejo na nakauwi na sa bansa kasama ang buo niyang pamilya mula sa pananatili sa California, USA.

Nakaposte sa Instagram ni Rica ang larawan nito sa NAIA karga ang kanyang anak at katabi ang mga bagahe.

Sa mga post ni Rica noong nasa Amerika siya, sinabi niiyang miss na niya ang Pilipinas kahit maganda ang buhay nila abroad at safe ang kanyang mga anak.

***

Assunta gurang na para maghubad

Dalawang buwan na lang at isisilang na ni Assunta de Rossi ang kanyang unang baby. Ito ang ibinalita ni Assunta sa Instagram na nakaturo sa hubad na image sa painting sa bahay niya.

Nagbiro si Assunta at sinabing ang katawan ng babae sa painting ang nais sana niyang gayahin sa pamamagitan ng retoke.

Pero nabuntis siya at baka itakwil na siya ng kanyang pamilya kapag ginawa niya `yon.

“At saka gurang na ako,” ang sabi pa niya.

The post Julia jackpot sa katas ni Gerald first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *