Julia ‘iniputan sa ulo’ si Joshua?

Abang-abang ang mga fan sa statement ni J­oshua Garcia sa chismis na hiwalay na sila ni Julia Barretto, at si Gerald Anderson ang dahilan. Pinangalanan nga ng mga netizen ang mga blind item tungkol sa isang girl na nakita raw na lumabas sa gym ng isang aktor.

The post Julia ‘iniputan sa ulo’ si Joshua? appeared first on Abante News Online.

julia iniputan sa ulo si joshua - Julia ‘iniputan sa ulo’ si Joshua?
ABANTE Julia 1 - Julia ‘iniputan sa ulo’ si Joshua?

Sigaw ng mga fan:

Abang-abang ang mga fan sa statement ni J­oshua Garcia sa chismis na hiwalay na sila ni Julia Barretto, at si Gerald Anderson ang dahilan. Pinangalanan nga ng mga netizen ang mga blind item tungkol sa isang girl na nakita raw na lumabas sa gym ng isang aktor.

Marami rin ang nagtataka na matagal na ngang hindi nakikita na magkasama sina J­oshua at Julia sa mga showbiz gathering.

Anyway, kahapon nga ay biglang nag-tweet si Joshua. Si Joshua na saksakan ng tamad sa pagtu-tweet.

“I’m a thinker, not a talker!” ang tweet ni Joshua.

Siyempre, in-associate ng mga fan ang tweet na ‘yon ni Joshua sa sitwasyon daw nila ni Julia ngayon. Na wala nga bang maasahan ang mga fan na mensahe mula kay Joshua?

Well, kung babasahin mo ang mga mensahe ng mga fan kay Joshua, buong-buo ang suporta nila sa idolo nila. At hindi pa man nakukumpirma ang kuwento na kesyo hiwalay na nga sina Julia at Joshua, tila hinusgahan na agad nila ang magandang aktres.

@picachunichico: “TALKATIVE is always the guilty one, saying so much to cover up something. Go, Joshua!”

@thekillerbride: “Sabi ko naman sayo na sya ay magloloko. Pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayo. Kaya wag ng umulit pa. Kaya wag ng umulit pa.”

@caitlin_hanna_R: “Yes Josh, less talk less mistake, maraming masasabi ang mga tao sa bawat galaw mo at sasabihin mo, let your fans do the tal-king hehe i mean, defending u i love ur humility and u have a good heart Josh, focus ka sa mga blessings na dumarating sayo.

God bless u more.”

@Steffy_yuki: “Sabi ko sayo Joshua si Jane na lang eh nasa huli talaga ang pagsisisi.”

@MizBizRip: “Di bale na maging thinker kesa makuha sa mabulaklak na pang uuto ng idol mong tulya. Ma-galing magsalita wala namn sa gawa. Duh maraming beses na nya sinasabi ang peace2 na yan til now di pa ba nya nahahanap ang peace? Palibhasa nakokonsensya sa ginwa nya.”

@junardlopezes: “Mas marami kaming nagmamahal sayo Joshua. Focus ka nlng lagi sa mga blessings na dumadating sayo. Aanhin mo ang babae na ngayon pa lang ay iniiputan ka na?

@Krrring09: “Okay yan kesa maraming sinasabi na flowery words pero di nman inaapply. Go lang Josh!”

@bente1991: “You deserve someone better ! Hinde yung nai-inlove sa na kakatrabaho !!! Tang**ang lalaki din yan eh. Panira ng relasyon ! Lahat nalang yata. Relasyon ng mag kakaibigan at mag ka-ibigan pinapatos lahat.”
Anyway, kung babalikan mo, ‘di ba nga, unang na-isyu na kesyo nagloko si Joshua, na nagkainteres sa isang babaeng fan na seksi. Matagal na panahon din siyang dinedma ni Julia tungkol doon. Pero sa bandang huli ay pinatawad din niya ang binata at naayos ngang muli ang relasyon nilang dalawa.

Eh, sa mga chismis ngayon, umiral din kaya ang kapatawaran sa mga puso nila? ‘Yun ay kung paniniwalaan natin ang mga chismis, ha! Pero, hanggang hindi nagsasalita ang dalawang panig, o tatlong panig pa nga, kasama na si Gerald, wala pa tayong karapatan na husgahan sila, lalo na si Julia.

The post Julia ‘iniputan sa ulo’ si Joshua? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *