Julia inilantad ang pag-ibig kay Coco

Idinaan ni Julia Montes sa birthday cake, gift box, ang pagbati sa kaarawan ni Coco Martin. Pinoste rin ni Julia ang larawan ni Coco sa Instagram.

The post Julia inilantad ang pag-ibig kay Coco first appeared on Abante.

julia inilantad ang pag ibig kay coco - Julia inilantad ang pag-ibig kay Coco
Julia - Julia inilantad ang pag-ibig kay Coco

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Julia inilantad ang pag-ibig kay CocoIdinaan ni Julia Montes sa birthday cake, gift box, ang pagbati sa kaarawan ni Coco Martin. Pinoste rin ni Julia ang larawan ni Coco sa Instagram.

Sa photo ay sobrang happy ni Coco na may hawak na malaking isda.

Hindi na nga maipagkakailang patuloy ang relasyon ng dalawa. Lalo at puno ng pag-ibig ang post ni Julia para kay Coco.

At siyempre, napansin ‘yon ng mga fan, at kinilig nga sila.

Pinanindigan na talaga ni Julia ang sinasabi ng marami na may relasyon silang itinatago. Sa mga post ni Julia kay Coco, laging matipid ang caption pero may mga paramdam ng pagmamahal sa aktor.

Sa naturang post ni Julia na rin bumati ang mga kaibigan nilang artista, na lahat nga ay nagpaulan ng pulang puso. Tanggap na tanggap naman nila ang lihim na relasyon ng dalawa.

Well, nasanay na rin naman ang mga tao sa ganitong paraan nina Julia at Coco.

***

Angel, Neil kasal hinahadlangan

Pinasalamatan ng mga netizen si Neil Arce dahil sa matinding suporta sa kasintahang si Angel Locsin laban sa isyu ng ‘red-tagging’.

Hindi natinag si Angel sa akusasyong kumatig siya sa NPA.

Sa pinoste niyang larawan sa Instagram na nakapiring ang mga mata at naka-red lipstick, mababasa sa mga comment ang pangalan ni Neil.

@irishliman: “@neil_arce thank you for always staying with her.”

@zela341: “@neil_arce, ngayon masasabi ko na talaga na bless si @therealangellocsin to have u in her life pakatatag #neilgel andito lang kaming mga fans niyo.”

Bagamat solid ang relasyon nina Angel at Neil, minamalas naman sila sa mga pagkakataon ngayong sinasabing malapit na silang ikasal.

Parang may humahadlang talaga na magpakasal sila. Nagkaroon ng pandemya, at heto nga ang pag-ugnay kay Angel sa NPA.

Imbes na maka-focus sila sa kasal, naiiba ang atensiyon nila, di ba? Sino kaya ang humahadlang na ikasal sina Angel at Neil.

***

Mga sand artist wanted kay Rabiya

Halos malusaw ang puso ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa pagkilala sa kanyang tagumpay bilang beauty queen. Isang grupo ang humugis ng mukha ni Rabiya sa pamamagitan ng sand art.

“I hope it’s not too late, but I want to express my heartfelt gratitude to all the amazing people behind this sand art. I really appreciate your gift and talent,” sabi niya.

Nanawagan si Rabiya sa kanyang mga follower na ipaaalam sa kanya ang mga pangalan ng mga ito para mapasalamatan niya.

The post Julia inilantad ang pag-ibig kay Coco first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *