Julia inalala ang lambingan kay Gerald

Biglang-bigla nag-post sa Instagram story si Julia Barretto ng video nila ni Gerald Anderson. Malagkit ang tinginan habang nagsasayaw ang dalawa.

The post Julia inalala ang lambingan kay Gerald first appeared on Abante.

julia inalala ang lambingan kay gerald - Julia inalala ang lambingan kay Gerald
julia 1 - Julia inalala ang lambingan kay Gerald

dondon sermino 9 - Julia inalala ang lambingan kay GeraldBiglang-bigla nag-post sa Instagram story si Julia Barretto ng video nila ni Gerald Anderson. Malagkit ang tinginan habang nagsasayaw ang dalawa.

Pero siyempre, eksena lang `yon sa pelikula nilang ‘Between Maybes’ na kinunan sa Japan.

At may kinalaman nga ang pag-post niyang `yon sa pagsi-celebrate ng 2nd anniversary ng Black Sheep Productions, ang nagprodyus ng pelikula nila ni Gerald na ipinalabas noong May 2019.

Sila rin ang nagprodyus ng mga pelikulang Exes Baggage nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino, To Love Some Buddy nina Zanjoe Marudo at Maja Salvador, Oda Sa Wala ni Pokwang, Sakaling Maging Tayo nina Elise Joson at McCoy de Leon, Alone Together nina Liza Soberano at Enriquel Gil, Isa Pa With Feelings nina Carlo Aquino at Maine Mendoza, Open nina Arci Munoz at JC Santos, at marami pang iba.

Samantala, mababasa rin sa IG story ni Julia ang mga linyang…

“September 27th, 2020

“You’ll be so glad that you never gave up when you see the way things are about to align for you. You’re in the middle of something miraculous.” moonomens.

Well…

***

                     Andrea na-shock sa pagkamatay ng alaga

Daig pa ni Andrea Torres ang namatayan ng anak sa pagluluksa niya sa alagang dog. Kunsabagay, lahat naman ng mga pet lover, anak talaga ang turing sa kanilang mga alaga.

Kaya ganun na lang ang pagluluksa ni Andrea nang mamatay ang pinakamamahal niyang alagang aso.

“I’m still in shock. I don’t know what to say…

“I will miss you my Little Mozart.

“Mommy loves you so much…” sabi pa ni Andrea.

Siyempre, nakaalalay sa kanya ang boyfriend niyang si Derek Ramsay.

“Stay strong babe. He is in a better place,” sabi ni Derek kay Andrea.

Marami ngang fan si Andrea ang nakidalamhati sa kanya. Kilala na nga kasi nila si Mozart na paboritong i-post ni Andrea sa Instagram.

***

                        Derek ginastusan ang b-day ni Mrs. Torres

Samantala, makikita naman sa Instagram ni Derek Ramsay ang bonggang selebrasyon na ihinanda niya para sa kanyang ‘Tita’, na nanay nga ni Andrea.

Happy family nga sila, na nagsama-sama para sa kaarawan ng mudra ni Andrea, ha!

Kitang-kita rin kung gaano na ka-close ang mga magulang nina Andrea at Derek, lalo na ang mga nanay nila, na madalas na ngang magkasama. Well, kahit naman noon, basta may selebrasyon sa kanila, palaging present ang mga nanay nila. At kahit sa abroad, nagkasama na rin silang lahat.

Ang bongga nga ng mga handang pagkain sa birthday ng nanay ni Andrea, na sa mismong bahay na ipinatayo ni Derek ginawa ang selebrasyon.

The post Julia inalala ang lambingan kay Gerald first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *