Julia, Gerald ‘relasyon’ buking sa No. 3

Nagkataon nga lang ba talaga? ‘Yan ang tanong ng maraming netizen na nanood­ ng event ng Star Magic sa ­Araneta coliseum, kung saan ay kitang-kita nga ang parehong jersey number nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

julia gerald relasyon buking sa no 3 - Julia, Gerald ‘relasyon’ buking sa No. 3
ABANTE g j - Julia, Gerald ‘relasyon’ buking sa No. 3

Palaban sa mga kalaban:JULIA, GERALD ‘RELASYON’ BUKING SA NO. 3

Nagkataon nga lang ba talaga? ‘Yan ang tanong ng maraming netizen na nanood­ ng event ng Star Magic sa ­Araneta coliseum, kung saan ay kitang-kita nga ang parehong jersey number nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Na kahit magkaiba ng kulay ang kanilang team, dahil blue si Julia at red naman si Gerald, tila sinadya nga na parehong #3 ang ginamit nilang numero.

Si Julia ang team captain ng red sa volleyball, at si Gerald ang captain ball ng basketball sa blue.

Pero, bakit daw #3 ang parehong number nila? Gayung kung ang birthday nila ang pagbabasehan, si Julia ay 10 habang­ si Gerald ay 7.

At nabigyan nga ito ng mas malalim na kuhulugan ng mga netizen, na dahil 3 raw ang monthsary nila.

Pero, marami ring harsh na akusasyon, dahil kesyo pinanindigan daw nila ang pinagdaanan nila, na kesyo 3rd party nga raw si Julia kaya nasira ang relasyon nina Gerald at Bea Alonzo.

Heto nga ang reaksyon ng mga netizen:
@irismontesssss, “FYI lang po. Yan na talaga number ng mga jersey ni ­Julia since mga previous niya na volleyball game. 3 din monthsary nila ni Joshua. And lastly yan din jersey number ni ­Gerald before pa lang. Yung suot ni Bea na Jersey ni Gerald ay 3 din. Wag po tayo pa issue. Okay?”
@0519marie, “That’s the day of the month @juliabarretto said YES to @andersongeraldjr.”

@rowenaethuraju, “obvious nagsinu­ngaling tong dalawa.. sana lang ­tumagal kayo.. diba nga ideal yung babaeng marunong makuntento at yung kahit di kayo nagkita ng isang linggo ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin niya… at ideal sa lalaki yung sabihin sayo ang tutuo hindi yung magugulat ka nalang break na pala kayo! Goodluck Budoy palakihin mo gym mo sa third floor… you’re rich now kaya approve­ ka kay Marjorie. Mas may future si Buday­ Dora sayo. Wasted my time being­ your fan! No mass appeal sapilitan kita hinangaan­ even you don’t have an aura and sweetness like Kathryn, Liza, Nadine, Janella or Maymay. FLOP!”

@florpareno, “Naku hayaan na yan, nagsalita na Nanay ni Gerald, ayaw daw nya kay Bea at ayaw rin nya kay Julia. Hindi pasado sa kanya. So hanap na naman­ si Gerald ng iba.”

@mikaelaochoa.15, “Ay naku kung magsyota na aminin nlng kahit may ­natapakan na iba. Basta ­nagmamahalan sila bakit kailangan pa i-deny? love should conquer it alllll.”

@meahangel, “Parang walang nangyari­ @andersongeraldjr kapal ng mukha nyo.”
Hay naku… (Dondon Sermino/Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *