Julia, Gerald ‘relasyon’ aprub kay Dennis

Pinaalalahanan at hindi naman talaga pinagbantaan ni Dennis Padilla si Gerald Anderson nu’ng i-text niya ang tinaguriang “Pambansang Pakboy” sa isyu nito sa anak niyang si Julia Barretto.

julia gerald relasyon aprub kay dennis - Julia, Gerald ‘relasyon’ aprub kay Dennis
julia 10 - Julia, Gerald ‘relasyon’ aprub kay Dennis

tonite oh laban ka rey pumaloy 2 336x224 - Julia, Gerald ‘relasyon’ aprub kay DennisPinaalalahanan at hindi naman talaga pinagbantaan ni Dennis Padilla si Gerald Anderson nu’ng i-text niya ang tinaguriang “Pambansang Pakboy” sa isyu nito sa anak niyang si Julia Barretto.

Nilinaw ni Dennis sa presscon ng pelikula nila nina Janno Gibbs at Andrew E., ang “Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo”, na simpleng mensahe lang ang ipinaabot niya kay Gerald, pero malaman ito na dapat lang mapaalalahanan ang aktor na ‘wag nitong sasaktan ang anak.

Hindi pa raw nakakaharap ni Dennis si Gerald. Hindi tulad ni Joshua Garcia na nakilala niya nang personal.

Walang masabi si Dennis tungkol sa pagkatao ni Gerald dahil hindi pa niya ito nakakausap nang harapan. Tanging ang anak lamang niyang si Julia ang nakausap ni Dennis at sinabihang magpahinga muna sa social media at ilaan ang bakanteng oras sa bakasyon.

Tatanggapin ni Dennis si Gerald kung mauuwi raw sa relasyon ang closeness nito kay Julia. Paliwanag ni Dennis, hindi niya saklaw ang personal na buhay ni Julia lalo’t may sarili na itong pag-iisip at nakakapagdesisyon na sa kanyang sarili.

Nu’ng mag-comment kami kay Dennis na ang “tapang” ni Julia sa buhay, mabilis na sumagot ito na “sobra”. Pabiro niyang sabi, hindi raw sa kanya namana ng anak ang karakter na ‘yon, “baka sa nanay?” na ang tinutukoy ay si Marjorie Barretto.

Kamao’ ni Da King minana ni Lovi

Ipinagmalaki ni Lovi Poe ang isa sa katangi-ang nakuha niya sa kanyang amang si Fernando Poe Jr. sa birthday posting nito sa yumaong King of Philippine Cinema.

Nag-post si Lovi sa Instagram ng video niya sa isang boxing gym, habang ka-sparring ang instructor niya. Mapapanood sa video ang bilis ng mga suntok ni Lovi sa kanyang instructor, na animo’y isang professional female boxer.

“She’s a king. Got ‘em moves from you Papa. Kulang na lang pompyang punch. Happy birthday in Heaven! #FPJ80,” caption ni Lovi.

Bukod kay Lovi, nag-social media birthday greetings din para sa namayapang aktor sina Coco Martin, Michael De Mesa at iba pang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *