Julia Garner gaganap na magnanakaw

Magbibida na ang two-time Emmy winner na si Julia Garner sa 10-part miniseries ng Netflix na Inventing Anna.

The post Julia Garner gaganap na magnanakaw first appeared on Abante.

julia garner gaganap na magnanakaw - Julia Garner gaganap na magnanakaw
abante julia garner - Julia Garner gaganap na magnanakaw

Magbibida na ang two-time Emmy winner na si Julia Garner sa 10-part miniseries ng Netflix na Inventing Anna.

Nakilala si Garner sa Netflix series na Ozark.

Hango ang Inventing Anna sa buhay ni Anna Sorikin a.k.a. Anna Delvey, ang fake German heiress na nagnakaw ng milyun-milyong dolyares para lang matupad ang ilusyon nito na mayaman siya sa New York society.

Naging article noong 2018 sa New York magazine ang buhay ni Anna titled “How Anna Delvey Tricked New York’s Party People” na sinulat ni Jessica Pressler.

Kasalukuyang nakakulong sa Albion Correctional Facility si Anna serving her sentence for 4 to 12 years dahil sa mga kasong grand larceny, second-degree larceny, and theft of services. Ipapa-deport din si Anna back to Germany after she served her sentence.

Ang TV producer na si Shonda Rhimes ang naka-acquire ng rights sa story ni Anna at nagsimula na silang mag-shoot sa ilang locations ni New York City. Ang director ng series ay si David Frankel.

Makakasama rin sa series sina Anna Chlumsky, Laverne Cox, Jennifer Esposito, Katies Lowes, Alexis Floyd, Arian Moayed, Anders Holm, Anna Deavere Smith, Jeff Perry, and Terry Kinney. (Ruel Mendoza)

The post Julia Garner gaganap na magnanakaw first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *